‘Pag wala si Maine: Dark ang mundo ko — Arjo

‘That’s a man! God bless Arjo and Maine!” sabi ni Daimos Francis.

The post ‘Pag wala si Maine: Dark ang mundo ko — Arjo appeared first on Abante News Online.

pag wala si maine dark ang mundo ko arjo - ‘Pag wala si Maine: Dark ang mundo ko — Arjo
arjo - ‘Pag wala si Maine: Dark ang mundo ko — Arjo

‘That’s a man! God bless Arjo and Maine!” sabi ni Daimos Francis.

“Eto lang ang artistang hindi masyadong pang-showbiz. Although he didn’t say now that he and Maine are officially together, iniisip niya lang din ‘yung mga taong nakapaligid sa kanya. I am so proud of you Arjo. Super honest mo and I see in your eyes the sincerity and full of love to answer the question. Hopefully maging okay ang lahat yung hindi ka na maba-bash. Love you Arjo,” sabi naman ni Jovelyn Padin.

“Sana forever na kayo!” say naman ni Melvin de Guzman.

Ilan lang ‘yan sa mga positibong reaksyon na hinamig ni Arjo Atayde, patungkol sa na­ging interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda.”

Promo nga ‘yon ng “Stranded”­ (movie ni Arjo with Jessy Mendiola) at “Bagman” (digital serye niya na mapapanood sa iWant), pero hindi pinalampas ni Kuya Boy ang pagkakataon, at isang special na ‘Fast Talk’ nga ang ginawa, na patungkol lang sa kanila ni Maine Mendoza ang mga tanong.

Unang tanong, sino mas clingy sa kanila ni Maine?

“Ako,” sagot ni Arjo.

Sino ang mas makulit?

“Parehas!”

Kailan pinakamaganda si Maine?

“Everyday!”

Sino ang unang na-fall?

“Ako!”

Ano ang suot niya nung bumisita siya sa bahay ni Maine?

“Oh, that’s a funny kuwento. Shorts and polo, and cap. I wasn’t prepared, yeah,” natatawang sagot ni Arjo.

Kailan niya ipapakilala si Maine sa pamilya niya?

“Soon!”

I-describe ang mundo na wala si Maine?

“Dark!”

Kung bubuksan ang puso mo, anong pangalan ng babae ang nakalagay diyan?

“M for Maine!” sagot ni Arjo.

So, ano pa ba? May mairerek­lamo ka pa ba? Bongga, ‘di ba?

The post ‘Pag wala si Maine: Dark ang mundo ko — Arjo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *