‘Pag sumali sa Christmas ID: Ruru matitiwalag sa Iglesia Ni Cristo

Marami ang nagtatanong kung bakit wala o hindi kasama si Ruru Madrid sa Christmas ID ng GMA. Bakit hindi siya kasali sa mga kinunan para sa nasabing GMA ID?

pag sumali sa christmas id ruru matitiwalag sa iglesia ni cristo - ‘Pag sumali sa Christmas ID: Ruru matitiwalag sa Iglesia Ni Cristo
ruru 4 - ‘Pag sumali sa Christmas ID: Ruru matitiwalag sa Iglesia Ni Cristo

Joe Barrameda Talbog 15 336x224 - ‘Pag sumali sa Christmas ID: Ruru matitiwalag sa Iglesia Ni CristoMarami ang nagtatanong kung bakit wala o hindi kasama si Ruru Madrid sa Christmas ID ng GMA. Bakit hindi siya kasali sa mga kinunan para sa nasabing GMA ID?

Ayon sa nakuha naming balita ay bawal pala ‘yun sa simbahang kinasasaniban ni Ruru, ang Iglesia Ni Cristo. Hindi kasi ipinagdidiwang ng Iglesia Ni Cristo ang Pasko. Bale New Year lang ang ipinagdidiwang nila at kaya meron din silang countdown. May nabalitaan kami na ilang artista ang tiniwalag dahil sa pagsali sa Christmas Station ID at hindi pinangarap ni Ruru ‘yun bilang devoted Iglesia follower siya.

Samantala, masaya ang naging mediacon ng pelikulang “Cara X Jagger” na idinaos noong Miyerkoles ng gabi. Masaya ang dalawang lead actor na sina Ruru at Jasmine Curtis Smith sa naging experience nila working together.

Nakilala raw nila ang isa’t isa lalo na si Ruru na na-intimidate raw kay Jasmine. Sa tulong ng direktor nila ay nagawa nila nang maayos ang mga role nila ine-expect ng direktor.

Ibinuko naman kami ng aming editor na si Dondon Sermino sa obserbasyon namin sa dalawa nu’ng bumisita kami sa shooting. Totoo naman na naging close ang dalawa sa set ng movie to the point na kahit tapos na ang shooting nila ay ayaw pang maghiwalay ng dalawa.

Ang tagal naming nakatunganga sa set habang tuloy-tuloy ang kuwentuhan ng dalawa na inabot na yata ng dalawang oras. Alam naman ninyo itong alaga kong si Ruru ay madaling ma-in love.

Pag-uwi namin ay iba ang ngiti niya at habang nagmamaneho pauwi ay kausap pa rin si Jasmine. Kaya nga biro ko, naku may masisirang relasyon. ‘Yun na!

Sa Nov. 6 ang opening date ng “Cara X Jagger” sa mga sinehan. Talbog!

Super talakan, sakitan: Sunshine, Sheryl nag-ala Gretchen, Marjorie

Araw-araw ay nakatutok kami sa “Magkaagaw” na pinagbibidahan ng alaga namin na si Jeric Gonzales at Klea Pineda. Hindi pa sila lumalabas ay marami na ang nakatutok sa afternoon serye dahil bakbakan, talakan, sakitan, at agawan na kay Alfred Vargas ang dalawang babae.

Imagine, pati bangkay ay pinag-aawayan nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Ayaw patalbog sa Barretto sisters.

What a coincidence, pero totoo. Nakakaloka! Hala, tignan natin kung sino ang matibay sa kanila. Nag-aalala kami sa aming alagang si Jeric at baka hindi kayanin si Sheryl lalo na sa dyugdyugan nila. Conservative pa naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *