Paborito ng mga bata: Kathryn pinadapa sina Julia, Liza, Yassi

Kakaiba talaga ang puwersa ng KathNiel fans! Si Kathryn Bernardo kasi ang hinirang na Favorite Trending Pinoy artist ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

The post Paborito ng mga bata: Kathryn pinadapa sina Julia, Liza, Yassi appeared first on Abante News Online.

paborito ng mga bata kathryn pinadapa sina julia liza yassi - Paborito ng mga bata: Kathryn pinadapa sina Julia, Liza, Yassi
ABANTE kathryn bernardo daniel padilla future - Paborito ng mga bata: Kathryn pinadapa sina Julia, Liza, Yassi

Kakaiba talaga ang puwersa ng KathNiel fans! Si Kathryn Bernardo kasi ang hinirang na Favorite Trending Pinoy artist ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Si Kathryn ang nakatanggap ng pinakamaraming boto mula sa mga fan matapos ang walang humpay nilang pag-tweet ng kanilang suporta para sa former teen queen. Maganda rin itong birthday gift sa dalaga na kaka-celebrate lang ng kanyang 23rd birthday.

Hindi biro ang mga nakatapat niya dahil ang big stars na sina Liza Soberano, Julia Barretto at Yassi Pressman ang mga nakalaban niya para sa award.

Kamakailan nga ay naging usap-usapan si Kathryn dahil sa rebelasyon nitong wala muna silang gagawing proyekto ng boyfriend na si Daniel Padilla ngayon. Para naman sa una niyang proyekto hiwalay kay Daniel, magtatambal sila ni Alden Richards sa isang pelikula na idi-direk ni Cathy Garcia-Molina.

Sa kabila ng mga pagbabago sa career niya, kapansin-pansin na mas naging mainit ang support sa dalaga ng KathNiel fans.

At yes, kapansin-pansin din na habang nagkakaedad si Kathryn, lalo itong gumaganda. Ibang level nga ang ganda ni Kathryn ngayon, kaya malabo talagang iwanan siya ni Daniel, ha! (Dondon Sermino)

The post Paborito ng mga bata: Kathryn pinadapa sina Julia, Liza, Yassi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *