Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay Rambo

Idinuduyan sa kaligayahan si Maja Salvador sa napaka-espesyal na birthday celebration na ibinigay sa kanya ng kasintahan nyang si Rambo Nuñez.

The post Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay Rambo first appeared on Abante.

pabolosa sa amanpulo maja lunod sa ligaya kay rambo - Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay Rambo
Maja Salvador 2 - Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay Rambo

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay RamboIdinuduyan sa kaligayahan si Maja Salvador sa napaka-espesyal na birthday celebration na ibinigay sa kanya ng kasintahan nyang si Rambo Nuñez.

Kinaray lang naman si Maja ng kanyang dyowa sa world class beach island na Amanpulo. Sa gitna ng pandemya ay nagawang itakas ni Rambo si Maja sa labas ng Metro Manila para gawing memorable ang kaarawan ng aktres.

Naglunoy nang todo si Maja sa crystal clear water ng Amanpulo at naglakad sa powder-like white sand doon.

Masisilip sa mga photo posting ni Maja sa Instagram ang paglulunoy niya sa tubig at mga sweet moment nila ng kanyang boyfriend.

Mismong si Maja ang nagsabing espesyal ang kanyang birthday sa ‘thank you message’ niya sa boyfriend habang nasa nguso sila ng yate.

Sinundan pa niya ito ng “ILY” sa mensahe niya para kay Rambo na ang ibig sabihin ay “I Love You”.

Alessandra tuloy ang patutsada sa Manila Bay

Umariba na naman ng patusada si Alessandra de Rossi sa Manila Bay white sand o dolomite, sa nire-tweet nitong news advice ng ABS-CBN sa estado ng lugar.

Kasabay ng newsfeed ang paglakip sa tweet ng dalawang photo ng Manila Bay na nalantad na sa gilid ang black sand na tinakpan ng dolomite.

Agad namang nag-comment si Alex sa nakita niyang larawan na tila pagkaagnas ng sand white sa bahaging unahan at gilid ng Manila Bay.

Gaya ng dati, idinaan niya sa pagpapatawa ang pasaring.

“Omg! We need artificial dagat! Asap pls. Magtulungan na lang ho tayo. I have 3 gallon here. Ano ambag mo?”

‘Pepe’ ni Korina mahilig mangalikot

Hinilaan ni Korina Sanchez na ang lalakeng anak niya na si Pepe ay magiging engineer. Ginawang basehan ni Korina ang pagkakaroon ng hilig ni Pepe sa mga gadget at kung paano ito gumagana.

Sa photo posting nito sa Instagram ng mga larawan nina Pepe at kakambal na si Pilar, kinakalikot ng lalake ang nakatakip na electrical socket sa poste.

Ikinuwento ni Korina na laging pasimuno si Pepe sa pangangalikot ng mga kung anong pinagkaka-intresan nito.

Natunugan ni Korina na baka punahin siya ng mga netizen dahil pinapanood lang niya ang dalawang bata. Ginarantiyahan ni Korina na hindi madidisgrasya ang kanyang mga anak.

“Don’t worry hindi nila mabubuksan yan!” sabi niya.

The post Pabolosa sa Amanpulo: Maja lunod sa ligaya kay Rambo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *