Pabakat ng ‘hiyas’ ni Lovi ikinaloka ng mga artista, fan

Binulabog na namang muli ni Lovi Poe ang social media sa paandar niyang pagpapasilip ng kanyang mga daring photo. Hindi napigilan ng ilang celebrity na mamangha sa larawan ni Lovi na nagbabalandra ng maganda niyang pigura.

pabakat ng hiyas ni lovi ikinaloka ng mga artista fan - Pabakat ng ‘hiyas’ ni Lovi ikinaloka ng mga artista, fan
lovi 5 - Pabakat ng ‘hiyas’ ni Lovi ikinaloka ng mga artista, fan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 3 336x224 - Pabakat ng ‘hiyas’ ni Lovi ikinaloka ng mga artista, fanBinulabog na namang muli ni Lovi Poe ang social media sa paandar niyang pagpapasilip ng kanyang mga daring photo.

Hindi napigilan ng ilang celebrity na mamangha sa larawan ni Lovi na nagbabalandra ng maganda niyang pigura.

Maging ang mga netizen ay naloka sa pabakat ng hiyas ng aktres sa pagkakahapit niya pataas ng kanyang bikini.

Naka-black and white ang shot ng larawan ni Lovi suot ang two-piece bikini.

Naloka si Tim Yap, pati na ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose sa pabakat na larawan ni Lovi.

Lumalabas kasing ang tapang ni Lovi sa larawan na walang pakialam na ilantad ang kanyang ‘hiyas’.

Sa rami ng mga bikini pictorial at daring shot ni Lovi sa iba’t ibang lingerie endorsement nito, maging para sa isang fashion magazine, wala na yatang ibang female star na hahamon sa lakas ng loob ng aktres at tapang nito sa kanyang sensuwalidad.

Kung ang yumao niyang ama na si Fernando ‘Da King’ Poe, Jr. ay palaban sa pakikipagbugbugan sa mga kontrabida sa kanyang mga pelikula, astig naman ang tingin ng mga netizen sa walang patumanggang paghuhubad ni Lovi sa social media.

Dingdong nanghiram ng motor sa Kapamilya host

Isang kilalang perso­nalidad ng ABS-CBN 2 ang nagpahiram kay Dingdong Dantes ng kanyang prized possession para sa kanyang bagong serye sa GMA-7 na “Descendants of the Sun”.

Naka-post sa Instagram ni Dingdong ang larawan niyang naka-military uniform habang nakasakay sa isang vintage priceless motorbike.

Ang nasabing motorbike na Royal Enfield 500 ay pag-aari ng Kapamilya at former “It’s Showtime” segment host na si Kim Atienza. Nagpasalamat si Dingdong sa kanyang post kay Kim sa pagpapahiram nito ng motorsiklo na siyang ginamit ng aktor sa taping ng nabanggit na serye.

Sabi nga ni Dingdong sa caption, ibayong pag-iingat at pag-aalaga ang ibinibigay niya sa motorsiklo.

Sa merkado sa Pilipinas, ang halaga ng motorsiklo ni Kuya Kim ay hindi bababa sa P250,000.

Magkaibigan sina Kuya Kim at Dingdong, at magkasama rin sila sa isang grupo ng mga biker, na minsan ay bumibiyahe sa mga malalayong lugar gamit ang kani-kanilang mga muscle motorbikes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *