Paawa epek ni Gerald ‘di bumenta

Sirang-sira na talaga ang credibility ni Gerald Anderson na kahit ang interview sa kanya ng ABS-CBN 2 na nag-lilinaw ng rason ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo ay hindi pinaniwalaan ng maraming netizen.

paawa epek ni gerald di bumenta - Paawa epek ni Gerald ‘di bumenta
ABANTE Geral - Paawa epek ni Gerald ‘di bumenta

Sirang-sira na talaga ang credibility ni Gerald Anderson na kahit ang interview sa kanya ng ABS-CBN 2 na nag-lilinaw ng rason ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo ay hindi pinaniwalaan ng maraming netizen.

Trending at viral ngayon sa social media ang panayam ng Kapamilya network sa aktor. Sinasabi ni Gerald sa interview na ang madalas na pag-aaway nila ni Bea ang dahilan ng problema sa kanilang relasyon.

Nagkakasakitan na raw sila ng mga damdamin sa dalas ng kanilang awayan.
Hindi pinakinggan o pinaniwalaan ng mga netizen ang paliwanag na ito ni Gerald, kaya kung ano-ano ang ipinukol na mga masasamang salita laban sa kanya mula sa kanyang mga detractor.

Tinawag na fake, liar, cheater, pakboy at kung anoano pa ng mga netizen si Gerald. Sa tweet ni @krishnanGabriel, mapapanood ang video mula sa interview ng Kapamilya network kay Gerald na nagpapaliwanag sa break-up nila ni Bea.

Sa comments ng video, walang favorable comment na mababasa, pawang panlalait at panghuhusga sa aktor ang sinasabi ng mga netizen.
Lahat ng naipundar na ‘pogi points’ at paghanga kay Gerald dahil sa pagsali nito sa Phil. Coast Guard bilang reserve ay hindi na tinignan ng mga humuhusga sa kanya. Samantala, may mga kumakampi naman kay Julia
Barretto sa pagkakasangkot nito sa hiwalayang Gerald at Bea. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *