Paano na si Kelsey? Victoria’s Secret Fashion Show 2019 binasura

Sa mga nag-aabang every year para sa Victoria’s Secret Fashion Show, wala silang maaasahan this year dahil walang show na magaganap.

paano na si kelsey victorias secret fashion show 2019 binasura - Paano na si Kelsey? Victoria’s Secret Fashion Show 2019 binasura
Abante tnt kelsey - Paano na si Kelsey? Victoria’s Secret Fashion Show 2019 binasura

Sa mga nag-aabang every year para sa Victoria’s Secret Fashion Show, wala silang maaasahan this year dahil walang show na magaganap.

Galing mismo ang balitang ito sa Victoria’s Secret angel na si Shanina Shaik:

“Unfortunately the Victoria’s Secret show won’t be happening this year.
It’s something I’m not used to because every year around this time I’m training like an angel. But I’m sure in the future something will happen, which I’m pretty sure about. I’m sure they’re trying to work on branding and new ways to do the show because it’s the best show in the world.”
Naglakad sa runway para sa famous lingerie and undergarment brand si Shaik noong 2014, 2015 and 2018.

Kung totoong walang VSFS this year, marami ang makaka-miss sa elaborate production nito at pati na ang pag-perform ng musical artists tulad nila Taylor Swift, Katy Perry, Adam Levine, Seal, Justin Timberlake, Rita Ora, AKON, Ariana Grande, Ed Shee­ran, Selena Gomez, The Weeknd, Shawn Mendes, Halsey at marami pang iba.

Ayon sa parent company ng VS na L Brand Inc., pinag-iisipan na nilang i-rebrand ang naturang produkto.

Sumikat bilang mga VS Angels sina Tyra Banks, Heidi Klum, Rebecca Romjin, Laetitia Casta, Karen Mulder, Daniela Pestova, Ines Rivero, Stephanie Seymour, Alek Wek, Gisele Bundchen, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, Miranda Kerr, Naomi Campbell, at ang kauna-una­hang Pinay VS angel na si Kelsey Merritt. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *