Paano na si Dagul? ‘Goin Bulilit’ tsutsugiin na

Isa ba sa paborito mo sa pagkabata ay ang kiddie show ng ABS-CBN tuwing Linggo na “Goin’ Bulilit”? Sa loob ng 14 na taon ay naging malaking bahagi ito sa buhay ng nakararami lalo na ng mga millennial.

The post Paano na si Dagul? ‘Goin Bulilit’ tsutsugiin na appeared first on Abante News Online.

paano na si dagul goin bulilit tsutsugiin na - Paano na si Dagul? ‘Goin Bulilit’ tsutsugiin na
abante Goin Bulilit - Paano na si Dagul? ‘Goin Bulilit’ tsutsugiin na

Isa ba sa paborito mo sa pagkabata ay ang kiddie show ng ABS-CBN tuwing Linggo na “Goin’ Bulilit”? Sa loob ng 14 na taon ay naging malaking bahagi ito sa buhay ng nakararami lalo na ng mga millennial.

At ikinalungkot nga ng marami ang balita ng head writer nito na si Josel Garlitos na huling dalawang linggo na lamang ng pag-ere nito sa telebisyon.

Gabi noong Miyerkoles nang ilabas ang teaser ng “Goin’ Bulilit” tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa kung saan sa bandang huli nga ay may nakalagay pang ‘#GoodbyeBulilit The Last Two Weeks.’

Isa rin ito sa mga longest running show sa Kapamilya network, nagsilbi ito bilang training ground para sa ilan sa mga sikat na personalidad ngayon gaya nina Kathryn Bernardo, Myles Ocampo, Kiray Celis at marami pang iba.

Kaya naman kung sinusundan o sinusubaybayan mo ang isa sa mga alumni ng naturang programa ay kapansin-pansin ang pagbisita ng ilan sa kanila sa studio na kinalakihan nila which is ang “Goin’ Bulilit” studio.

Inaasahan naman ng mga fan na magiging exciting at emosyonal ang pagtatapos ng naturang programa. At paano na nga si Dagul ngayon? (Athena Yap)

The post Paano na si Dagul? ‘Goin Bulilit’ tsutsugiin na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *