Paano na ang pamilya ko? — Liza

Kahapon ay ka-chat ko ang co-mana­ger ng Star Magic sa career ni Liza Soberano, si Ogie Diaz. Tinanong ko si Ogie kung final na ba talaga ang pagku-quit ng girlfriend ni Enrique Gil sa ‘Darna’ movie ng Star Cinema.

The post Paano na ang pamilya ko? — Liza appeared first on Abante News Online.

paano na ang pamilya ko liza - Paano na ang pamilya ko? — Liza
Liza Soberano - Paano na ang pamilya ko? — Liza

abante anything goes jun lalin 336x224 - Paano na ang pamilya ko? — LizaKahapon ay ka-chat ko ang co-mana­ger ng Star Magic sa career ni Liza Soberano, si Ogie Diaz. Tinanong ko si Ogie kung final na ba talaga ang pagku-quit ng girlfriend ni Enrique Gil sa ‘Darna’ movie ng Star Cinema.

Actually, marami ang nagulat nang i-announce ni Liza sa ‘TV Patrol’ ang desisyon niya na iwanan ang project na ‘yon dahil siya pa naman ang napili sa napakaraming mga nag-audition nang mag-announce noon si Angel Locsin na ayaw na niya sa project na ‘yon due to health reasons.

Tapos nga, health din ang naging rason ni Liza dahil sa pagkakapilay ng kanyang daliri sa taping noon ng ‘Bagani’ kaya umayaw na siya sa Darna project.

“Yes, moving forward na ang lahat!” sabi ni Ogie.

So, hindi nga lang basta ‘drama’ para magkaroon ng mas matinding interes ang mga tao, kaya nag-announce si Liza ng pagku-quit sa project na ‘yon, huh!

Kung matatandaan, ilang taon na ring tinatrabaho ni Direk Erik Matti ang ‘Darna’ movie, pero nag-quit din ito sa project at tapon na nga raw lahat ng mga nakunan na dahil si Jerrold Tarog na ang direktor no’n.

Naku, napakarami na ng mga nag-resign sa project na ‘yan, hindi kaya ‘resigned’ na rin ang mga taong gustong makapanood ng new movie version ng ‘Darna’?

“Ako bilang co-mana­ger kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana ‘yung ‘Darna’. Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang ‘Darna’ na halos lahat ng aktres, gustong gawin ‘yan.

“Ilan na ‘yung artistang nag-audition para diyan, pero si Liza ang nakakuha ng role. Nu’ng una’y hindi pa nagsi-sink in sa kanya na siya na ang modern-day Darna, hanggang sa yakapin na niya ang naturang superhero character.

“Pinaghandaan ‘yan ni Liza. Pati mga gym workouts niya, ‘yung fight scenes training niya, ‘yung routines niya, lahat ‘yon, naka-sched araw-araw.

“Pero dahil sa nangyaring aksidente sa ‘Bagani’ last year kung saan napuruhan ang isa niyang daliri, ‘yung totoo, ‘yung ‘Darna’ agad ang naisip namin ni Liza.

“‘Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialista na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hanggang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat.

“Isang araw, tumawag sa akin si Liza. Mag-mee­ting daw kami. Ayaw niyang sabihin kung bakit. Kaya kinita ko na lang siya. At doon ay ipinakita muna niya ang kanyang daliri na halos kalahating taon yatang therapy at surgery ang pinagdaanan.

“Umiiyak siya. Sabi ko, ‘baket?’ Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang ‘Darna,’ dahil matatagalan pa nga ang complete hea­ling ng kanyang daliri.

“‘Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin ‘yung ‘Darna’? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang ‘Darna’. Paano na ‘yung family ko?’

“Sabi ko talaga kay Liza, ‘Naisip mo pa talaga ‘yan, ‘nak? At least, ‘nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at ‘yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda ‘yang ganyang attitude mo.

“Pero sa totoo lang, if you don’t feel like doing ‘Darna’ anymore, it’s okay with me. Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na maging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas maganda ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let’s set a meeting with the bosses.

“‘Alam mo, ‘nak… lagi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang ‘Darna,’ and while shoo­ting ‘Darna,’ du’n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or ‘yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan.’
“Tulo pa rin nang tulo ang luha ni Liza.

“‘Pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo. At maniwala ka, marami pang dara­ting na opportunity sa ‘yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord.’”

The post Paano na ang pamilya ko? — Liza appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *