Paalam, Tony Mabesa

Paalam, Tony Mabesa

Muling nabalot ng lungkot ang Philippine entertainment industry dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang beteranong artista ng industriya: ang theater and film icon na si Tony Mabesa at ang movie queen na si Amalia Fuentes.

paalam tony mabesa - Paalam, Tony Mabesa
tony 5 - Paalam, Tony Mabesa

Muling nabalot ng lungkot ang Philippine entertainment industry dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang beteranong artista ng industriya: ang theater and film icon na si Tony Mabesa at ang movie queen na si Amalia Fuentes.

Namaalam noong October 4 ang 84-year-old award-winning theater and film veteran na si Tony Mabesa na kung tawagin ay “Lion of the Theater.” Umabot nang higit na 70 taon ang kanyang career sa teatro, pelikula at telebisyon.

Pinanganak sa Los Baños, Laguna noong January 27, 1935 si Antonio Mabesa. Nagtapos ito ng BS Agriculture sa University of the Philippines-Los Baños in 1956. Nagkuha niya ang Master of Arts in Theater Arts sa University of California-Los Angeles in 1965 at Master of Education sa University of Delaware, 1969.

Naging founding artistic director ng Dulaang UP at UP Playwrights Theater si Mabesa kunsaan siya naging director at actor sa higit na 70 productions.

Naging mentor din si Mabesa sa ilang mga theater actors na namamayagpag na ngayon sa TV at pelikula tulad nila Nonie Buencamino, Shamaine Centenera, Irma Adlawan, Eugene Domingo, Frances Makil-Ignacio, Adriana Agcaoili, at Neil Ryan Sese.

Ilan lang sa mga pelikulang ginawa ni Mabesa ay “Daddy’s Little Darlings”, “Bagets 2”, “Hinugot Sa Langit”, “Bed Sins”, “Once Upon A Time”, “When I Fall In Love”, “Rosa Mystica”, “Ibulong Mo Sa Diyos”, “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”, “Macho Dancer”, “Huwag Mong Salingin Ang Sugat Ko”, “Una Kang Naging Akin”, “Alyas Stella Magtanggol”, “Tayong Dalawa”, “Hiram Na Mukha”, “Ikaw”, “Sa Isang Sulok Ng Mga Pangarap”, “Kadenang Bulaklak”, “Pangako Ng Kahapon”, “The Maggie Dela Riva Story”, “The Flor Contemplacion Story”, “Muling Umawit Ang Puso”, “Bakit May Kahapon Pa?”, “Jose Rizal”, “Deathrow”, “Ploning”, “Dukot”, “Felix Manalo” at “Rainbow’s Sunset” kunsaan nanalo siya ng best supporting actor sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa TV ay huling napanood si Mabesa sa “Hiram Na Anak” ng GMA-7. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *