P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporter

Bumulaga ang P4M na na-scam daw kay Hashtag Nikko Natividad. Tila nakuwestiyon ito ng kasamahan naming reporter. Saan daw nanggaling ang P4M, eh magkano lang daw ang talent fee nito sa pelikula at sa pagsayaw sa It’s Showtime araw-araw.

The post P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporter first appeared on Abante.

p4m ni nikko kinuwestiyon ng reporter - P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporter
nikko 1 - P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporter

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporterBumulaga ang P4M na na-scam daw kay Hashtag Nikko Natividad.

Tila nakuwestiyon ito ng kasamahan naming reporter.

Saan daw nanggaling ang P4M, eh magkano lang daw ang talent fee nito sa pelikula at sa pagsayaw sa It’s Showtime araw-araw.

“Di kasi ako tamad” sagot niya.

Bukod dito, sinabi rin niya sa kanyang Twitter account na baka kung ikukuwento raw niya paano siya sa buhay, mapagod ang makakabasa o makakarinig. Willing din daw siyang ipasilip ang ITR niya.

Sey pa niya, “Nakadapa na yung tao. Pero nginungudngud mu pako. Inano kita?

“Pag ang artista hindi naka ipon pinagtatawanan nyo. Pag naman nakaipon sasabihin nyo “san galing?’

“Lahat ng pera ko pinaghirapan ko. 5yrs kong pinaghirapan sa showbiz at pagnenegosyo. Kaya hindi imposible yun. Kung di ka makapaniwala isip ka nalang ng blind item tutal dun ka kumikita sa paninirang puri.

Derek pamilya ang turing sa alalay

Ang daming humanga kay Derek Ramsay dahil sa ipinakita nitong pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang P.A. Sabi nga ng isang netizen sa post ni Derek, “Ang sweet. Mapapa-sana all ka na lang.”

Hindi lang naman kasi mahal, kung hindi “mahal na mahal kita” ang mensahe ni Derek para sa kanyang palaging kasama na Jean Kaye Dela Cruz.

Ipinost ni Derek ang picture nila na may kasamahang bata at binati ito sa kaarawan.

“Happy happy birthday @jeankaye25 salamat sa pag-alaga mo saakin. Wag mong kalimutan na mahal na mahal kita. Parte ka ng buhay ko at ayokong mawala ka sa akin. Nandito ako lagi alam mo yan,” sey ni Derek.

At saka niya ito sinundan ng hashtag na family, which means, pamilya na ang turing ng actor rito.

The post P4M ni Nikko kinuwestiyon ng reporter first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *