P2M ng beki tinanggihan: Ivana Alawi type jowain ni Marco Gumabao

Bongga kaagad ang first vlog ni Marco Gumabao sa YouTube, ha! May pa-QnA agad siya.

The post P2M ng beki tinanggihan: Ivana Alawi type jowain ni Marco Gumabao first appeared on Abante.

p2m ng beki tinanggihan ivana alawi type jowain ni marco gumabao - P2M ng beki tinanggihan: Ivana Alawi type jowain ni Marco Gumabao
Ivana x Marco - P2M ng beki tinanggihan: Ivana Alawi type jowain ni Marco Gumabao

Bongga kaagad ang first vlog ni Marco Gumabao sa YouTube, ha! May pa-QnA agad siya.

At isa nga sa mga tanong sa kanya ay ang… ‘Kung mag-24 hours jowa challenge with another vlogger, sino ang pipiliin mong vlogger, Alex Gonzaga, Donalyn Bartolome, Ivana Alawi?’

“Ang tanong pipiliin ba nila ako para maka-24 hours jowa challenge?

“Siyempre kung ako ang masusunod, si Ivana Alawi. Kasi wala lang, kapag napapanood ko mga vlog niya, sobrang natutuwa ako. At saka feeling ko parang bagay kami. Hahahaha!

“Si Alex G gusto ko ring maka-collab. Of course, si Donalyn, gusto ko rin.

“Pero, 24 hours jowa challenge, si Ivana talaga!” sagot niya.

Sinagot din niya ang tanong kung may nag-alok na ba sa kanya na indecent proposal, o tinangkhang bilhin ang kanyang katawan.

“Oo meron na akong nakuha na indecent proposal. Pero ang pinaka-nabastusan ako, hindi ko nagustuhan talaga, ‘yung sinabi niya sa akin na gusto niyang mag-pose ako ng nude para sa isang photo shoot. Sabi ko, para saan magazine?

“Sabi niya personal shoot lang. Sabi ko, ‘ah okey, medyo gest ko na ang gusto ng taong ito’. And then, bigla siyang nag-offer ng 2 million pesos. “Sabi ko, kahit gustohin ko man tanggapin `yan, hindi ako ganun. Inaway ko talaga siya. Na-off ako sa kanya,” kuwento ni Marco.

Well, siyempre maraming magtataas ng kilay na tumanggi si Marco sa P2M, ha! At bagamat wala naman sinabi kung beki o babae ba `yon, mas inisip ng mga fan na bading nga ang nag-alok na `yon. (Dondon Sermino)

The post P2M ng beki tinanggihan: Ivana Alawi type jowain ni Marco Gumabao first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *