P200M kinita sa 1st day showing ‘Avengers: Endgame’ record-breaker!

Tila magiging kabilang sa history ng industriya ng superhero movies ang pagiging record-breaker ng “Avengers: Endgame.”

The post P200M kinita sa 1st day showing ‘Avengers: Endgame’ record-breaker! appeared first on Abante News Online.

p200m kinita sa 1st day showing avengers endgame record breaker - P200M kinita sa 1st day showing ‘Avengers: Endgame’ record-breaker!
avengers 1 - P200M kinita sa 1st day showing ‘Avengers: Endgame’ record-breaker!

Tila magiging kabilang sa history ng industriya ng superhero movies ang pagiging record-breaker ng “Avengers: Endgame.”

Para nga sa mga fan, ang ibig sabihin ng “end” ay tinapos na ng Marvel ang superhero movies history sa paghahakot ng nasa higit P200 milyon at tinatayang 970 screenings dito sa ating bansa sa loob pa lamang iyan ng 24 oras mula nang ipalabas sa unang araw ang nasabing pelikula.

Aba, kung sa Pilipinas pa lang ay ganyan na ang bilang, ano pa kaya sa ibang bansa? Well, halos umabot nga raw ng $300 milyon ang kita ng “Avengers” sa unang linggo pa lang sa America. Mas marami rin daw ang nanood ngayon kaysa sa nakaraang release na “Avengers: Infinity War.”

In fairness din sa mga fan ngayon, nabawasan ang spoilers dahil nag-post sa official page ang “Avengers” na mahigpit na pinagbabawal ang spoilers hangga’t hindi pa nawawala sa mga sinehan ang kanilang palabas.

Mabuti’t sumunod ang karamihan sa mga fan kaya naman mas marami rin ngayon ang mas excited manood ng Avengers dahil hindi sila nawalan ng gana. Usually kasi kapag may spoilers, posibleng mawalan ng gana manood ang mga fan, pero dahil nga behave ang mga fan, mas marami ngayon ang naeengganyong manood ng “Avengers.”

The post P200M kinita sa 1st day showing ‘Avengers: Endgame’ record-breaker! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *