P18K piyansa: Xander Ford kulong sa reklamo ng ex-GF

Nakiusap ang manager ni Xander Ford na huwag namang pagtawanan ang kanilang alaga na nakulong nga noong Martes ng gabi sa reklamo na RA 9262 o Violence Against Women and Children na isinampa ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas.

The post P18K piyansa: Xander Ford kulong sa reklamo ng ex-GF first appeared on Abante.

p18k piyansa xander ford kulong sa reklamo ng ex gf - P18K piyansa: Xander Ford kulong sa reklamo ng ex-GF
abante xander ford - P18K piyansa: Xander Ford kulong sa reklamo ng ex-GF

Nakiusap ang manager ni Xander Ford na huwag namang pagtawanan ang kanilang alaga na nakulong nga noong Martes ng gabi sa reklamo na RA 9262 o Violence Against Women and Children na isinampa ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas.

Matatandaan na nitong Hulyo ay nagreklamo si Ysah kay Raffy Tulfo dahil sa diumano ay ginawa sa kanya ni Xander.

Anyway, bagamat gabing-gabi na ay agad-agad ngang sumugod ang mga namamahala sa Star Image sa kulungan na kung saan ay nandoon si Xander.

“Kung kami lang, ayoko na rin siyang tulungan,” sabi ng manager nito.

“Sa ngayon, wala kang kasalanan pa na napapatunayan. Hindi pa ka guilty. Kailangan mo pang patunayan sa korte. Pero, kung mapatunayan na totoo kang nagkasala, wala na kaming magagawa. Kasi batas na ito.

“Magpapasko na po. Si Xander po, pinagbabayaran na niya kung may kasalanan man siya. Pero bigyan natin siya ng chance na patunayan ang sarili niya.

“Sinabi ko sa inyo na kung ako lang ayoko na tulungan ito. Pero si Petite ang nagsabi na tulungan natin boss. So, tutulong kami, at wala naman kaming choice. Pero sana pagkatapos nito, matutunan mo na lahat,” sabi pa ng may-ari ng Star Image.

Kahapon (Miyerkules) ang naka-iskedyul na pagpipiyansa kay Xander na nagkakahalaga ng P18,000.

Kaloka lang na parang sa halip na maawa ay natuwa pa ang iba sa nangyari kay Xander. Kaya again, nakiusap ang manager ni Xander na huwag naman siyang pagtawanan, sa halip ay tulungan na makabangon. (Dondon Sermino)

The post P18K piyansa: Xander Ford kulong sa reklamo ng ex-GF first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *