Ogie, Regine super love nina Goma, Lucy

Bilib ako sa mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid nang magpa-special screening ako ng Kuya Wes sa Director’s Chair Cinema sa Podium Mall noong Saturday.

The post Ogie, Regine super love nina Goma, Lucy appeared first on Abante News Online.

ogie regine super love nina goma lucy - Ogie, Regine super love nina Goma, Lucy
ogie regine 1 - Ogie, Regine super love nina Goma, Lucy

abante anything goes jun lalin 336x224 - Ogie, Regine super love nina Goma, LucyBilib ako sa mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid nang magpa-special screening ako ng Kuya Wes sa Director’s Chair Cinema sa Podium Mall noong Saturday.

Alam ni Ogie na 8:00PM pa talaga ang special screening ng Kuya Wes, pero past 4:00PM pa lang ay nasa Podium Mall na sila.

Nang mag-text nga sa akin si Ogie, sinabing nandoon na sila at nag-early dinner na sa isang restaurant, at kapag kailangan na raw siya ay i-text lang siya.

Eh, days before lang nandoon din si Ogie dahil nagpa-special screening din si Kris Aquino (hindi ito nagpunta).

While waiting, naglibot muna ang mag-asawa at tumingin-tingin ng mga puwedeng mabili like luggage (palagi rin kasi silang bumibiyahe dahil napakarami nilang commitment abroad katulad nga­yong May na may concert series sila sa Canada at USA).

Nang malaman nila na nandoon na rin ang mag-asawang Mayor­ Richard at Representative Lucy (Torres)­ Gomez, umakyat na rin sila sa may cinema floor dahil ayaw nilang paghintayin ang mga nagpunta roon para suportahan ang nasabing special screening.

Si Goma (Richard), galing pa pala ng Ormoc City at bumiyahe pa-Manila to meet with his wife at pumunta nga sa special screening ng Kuya Wes.

“Nang tumawag kasi si Rey (Lañada, Ogie’s handler) at sabihin na may special screening ang Kuya Wes, nag-yes ako agad. For Ogie, eh!” sabi ni Goma na sobrang close sa comedian.

Dumating din sa special screening na ‘yon si Bayani Agbayani kasama ang kanyang anak na babae na teenager na ang dating dahil nagmana sa kanya sa taas. Sumuporta rin si Ronnie Henares na manager noon ni Regine.

Puno ang sinehan, kaya naman sobrang happy si Ogie at nagpasa­lamat sa akin, pati kay Dra. Vicki Belo (na kahati ko sa special screening­ na ‘yon, pero nasa USA).

Sa bilang ni Ogie, 34 times na niyang napanood ang Kuya Wes kasama na ang two screenings sa film festival sa Porto, Portugal.

Pinasalamatan din ni Ogie si Regine na wala ring kasawa-sawang panoorin ang Kuya Wes.

“Ang daming beses na ring napanood ni Reg ang Kuya Wes, hindi siya nagsasawa!” sabi ni Ogie.

After the special screening, super tsikahan sina Ogie, Regine, Goma at Lucy at nang paalis na, nagpasalamat ako kay Regine for coming, pero nag-dialogue siya ng, “No, I should thank you. Thank you talaga for this (special screening). Thank you for always loving Ogie!”

In fairness to Regine, pati kay Ogie, marunong talaga silang mag-appreciate ng mga bagay na nagagawa mo para sa kanila, kaya naman dalawa sila sa ilang very precious sa akin sa showbiz (of course, kasama roon si Tita Annabelle Rama).

Marami nga pala sa nanood ng special screening ng Kuya Wes ang nagsabing hindi sila magtataka kung marami pang best actor trophies ang hahakutin ni Ogie para sa role niya sa nasabing pelikula dahil napaka­galing niya roon!

Carlo, Angelica nag-uusap pa rin

Nakita ko rin sa Podium Director’s Club Cinema si Carlo Aquino. May pa-special screening naman ang kanyang Carloholix fans ng Ulan movie nila ni Nadine Lustre.

Paalis na si Carlo nang makita ko at nagmamadali siya dahil may iba pa siyang commitment, kaya hindi na siya nagtagal doon.

May pralala nga pala ang isa sa mga fan ni Carlo na nag-organize ng event na ‘yon na alam nilang nakikipag-usap pa raw ang binata kay Angelica Panganiban kaya nag-dialogue na nga ang aktres na hindi na ito nakikipag-usap sa ex-boyfriend.

So, hindi naman pala lahat ng mga fan ni Carlo ay galit kay Angelica, huh!

Negosyante binawi ang kotse sa anak ni premyadong aktres

Binawian pala ng kotse ng isang kilalang businessman ang anak niya sa isang premyadong aktres. Hindi naman naghihirap si businessman kaya nambawi siya ng kotse sa anak.

Kaskasero raw kung mag-drive ang anak, kaya wala muna siyang kotse, huh!

Tama lang!

The post Ogie, Regine super love nina Goma, Lucy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *