Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12

Ibang klase talagang makisama si Ogie Alcasid sa mga kapwa niya singer.

The post Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12 appeared first on Abante News Online.

ogie regine magbabanggaan sa july 12 - Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12
ogie 2 - Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12

ANYTHING GOES
Jun Lalin

abante anything goes jun lalin 336x224 - Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12Ibang klase talagang makisama si Ogie Alcasid sa mga kapwa niya singer.

Siya at ang kanyang ‘A Team’ ang producers ng “Ian: In Color” concert ni Ian Veneracion sa Music Museum on July 11 & 12 at sa second night noon ay katapat nila ang concert naman nina Angeline Quinto at K Brosas sa Araneta Coliseum.

Guest sa concert ni Ian sa first night si Ogie, pero sa second night ay hindi na siya puwede dahil nakapag-yes siya na magge-guest sa concert nina Angeline at K.

Puwedeng-puwedeng idahilan ni Ogie kina Angeline at K na kaila-ngan siya sa concert ni Ian dahil isa rin siya sa mga producer, pero sa concert pa rin nga ng mga ito siya magge-guest sa July 12.

Mabuti na lang on July 12 naman ay puwede ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid na mag-guest sa Music Museum, kaya happy naman si Ian na sa first night niya ay may singer/songwriter siya at sa second night naman at ang Asia’s Songbird. Ang bongga!

Anyway, nang makausap ko si Ogie about Ian’s concert, sinabi niyang mabilis ang benta ng tickets. Kung noong hindi pa nga sila nagpapa-presscon ay more than 50% na ang nabenta, nga-yon naman, balitang more than 70% na, kaya naman pati si Ian ay sobrang ganado sa pagpo-promote, huh!

Nabuking ng mataray na ina:Aktres hindi totoong hiwalay sa dyowa

Naku, huh! Pati ako nalilito na kung boyfriend-less ba si aktres ngayon o drama lang niya ‘yung “bored” na siya sa relasyon nila ng kanyang boyfriend at wala na talaga sila, ‘noh?!

Buking na buking kasi ng feisty mom ni aktres na kasama ang lalaking ‘yon sa isa sa mga birthday dinner ni aktres. Sabi ni feisty mom, may nagsabi raw sa kanya, pero ang totoo, pinost kasi ni aktres sa kanyang Instagram stories ang video ng birthday dinner niya kung saan ay nakunan ang boyfriend niya (ex kung paniniwalaan ang sinasabi ni aktres na wala na sila).

Akala yata ni a­ktres ay hindi marunong tu-mingin ng Instagram stories ang nanay niya, pero ang totoo, pampalipas oras ni feisty mom ang panonood ng videos sa Instagram stories ng kanyang mga pina-follow.
So, buking si aktres!

Ewan ko lang kung may idea si aktres na buking na siya ng kanyang feisty mom dahil tahimik pa ito! Hahaha!

The Eddys kaabang-abang sa July 14

Sa July 14 na ang The EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) at gaganapin ‘yon sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City.
Expected na dadagsain ‘yon ng mga taga-showbiz, politika.

Inaayos pa ang main hosts para sa event na ‘yon ng showbiz editors, pero exciting ang two showbiz personalities na kinakausap nila to host. Ayaw pa nilang sabihin kung sino ang mga ‘yon dahil ina-ayos pa nila, pero mukhang matutuloy naman ang mga ito.

Anyway, expected na magiging star-studded ang event na ‘yon kaya naman pati fans, sobrang gustong um-attend doon. May ilang friends nga ako asking kung paanong mag-avail ng tickets, huh!
Ang bongga naman ng EDDYS, ‘noh?!

The post Ogie, Regine magbabanggaan sa July 12 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *