Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama

Alam mo, Dondon (my dear editor), sa guesting ni Ogie Alcasid noong Monday sa “Anything Goes” show ko for Abante News Online Facebook page ay nag-open up ang singer/songwriter tungkol sa pagkamatay ng tatay niyang si Mr. Herminio Alcasid, Sr.

The post Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama first appeared on Abante.

ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama - Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama
ababte ogie - Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong amaAlam mo, Dondon (my dear editor), sa guesting ni Ogie Alcasid noong Monday sa “Anything Goes” show ko for Abante News Online Facebook page ay nag-open up ang singer/songwriter tungkol sa pagkamatay ng tatay niyang si Mr. Herminio Alcasid, Sr.

Sabi ni Ogie, hindi naman nila ikinakaila na COVID-19 ang ikinamatay ng kanyang tatay. Hindi nga lang nakita ni Ogie ang kanyang tatay habang nasa hospital ito, pero halos araw-araw naman daw ay nakakausap niya ito hanggang sa bawian na nga ng buhay.

Nagawa rin ni Ogie na makapaghanap ng male nurse na nag-alaga sa kanyang tatay hanggang sa bawian na ito ng buhay.

Sa guesting ngang ‘yon ni Ogie ay ikinuwento ang pinagdaanan niyang lungkot at very thankful din naman siya sa misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid na sobrang sumuporta sa kanya noong panahon na ‘yon.

Nakapag-compose nga pala ng isang awitin si Ogie na dedicated niya sa kanyang yumaong tatay at kinanta niya sa “Anything Goes” ang chorus no’n.

Sabi ni Ogie, “Next year, sa Father’s day, iri-release ko ‘yung song na ‘yon!”

Sobrang madamdamin ang kantang ‘yon ni Ogie na puwede ninyong mapakinggan sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online Facebook page.

Regine may Pamasko sa mga ‘Abante’ fan

Samantala, naikuwento rin ni Ogie na hindi na muna sila nagpaplano ng kanyang misis na mag-abroad. May pandemic pa raw, kaya hindi muna nila iniisip ang tungkol doon.

Sa Christmas eve naman, nasa bahay raw sila ng sister-in-law niyang si Cacai Velasquez-Mitra kasama ang pamilya ng kanyang misis at sa Christmas day naman daw ay bibisita sa bahay nila ang kanyang pamilya.

Ipapairal din daw nila ang lahat ng health and safety protocols sa pagkikitang ‘yon ngayong Christmas!

Siyanga pala, sa mga fan na nagtatanong kung kailan naman magge-guest si Regine sa Abante News Online Facebook page show ko, well, I’m so excited to announce na siya ang magiging special guest ko sa Christmas episode ng “Anything Goes” on December 23, 2:00PM, kaya abangan ‘yon!

Samantala, sa Sunday ay live na mapapanood ang mag-asawa sa “ASAP Natin ‘To”. Bale hanggang next week sila magte-taping at next year na uli sila babalik ng live sa nasabing Sunday noontime concert show ng ABS-CBN!

Ariella palaban sa ‘kabit’ role

Nang pasukin ni Ariella Arida ang mundo ng beauty pageant, sa pangalan na ‘yon siya nakilala, pero nang mag-showbiz siya, may mga tumatawag sa kanya na Ara Arida.

Sa pelikulang “Coming Home” kung saan ay gumaganap siyang kabit ni Senator Jinggoy Estrada, Ara Arida ang billing niya.

Nang tanungin ko kung ano ba talaga ang official name na gagamitin niya ngayong nagsu-showbiz na nga siya at may series pa sa GMA NewsTV, ang “The Lost Recipe” (dati siyang host ng “Umagang KayGanda” ng ABS-CBN), sinabi niyang kailangan na nga niyang i-address ang bagay na ‘yon at kakausapin niya ang manager niyang si Arnold Vegafria.

Samantala, wala namang problema kay Ariella na kabit ang role niya sa “Coming Home” dahil sa pelikula lang naman daw ‘yon.

In fairness nga pala kay Ariella, nagawa niyang makipagsabayan ng akting kina Jinggoy at Sylvia Sanchez, huh!

The post Ogie gumawa ng kanta para sa yumaong ama first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *