Ogie Diaz nadismaya kay Sec. Panelo

Ogie Diaz nadismaya kay Sec. Panelo

Dismayado ang kilalang comedian at manager na si Ogie Diaz sa recent statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa mga kaganapan sa karagatang sakop ng Pilipinas.

ogie diaz nadismaya kay sec panelo - Ogie Diaz nadismaya kay Sec. Panelo
ogie diaz - Ogie Diaz nadismaya kay Sec. Panelo

Dismayado ang kilalang comedian at manager na si Ogie Diaz sa recent statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa mga kaganapan sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Kamakailan kasi ay hinarang ng Chinese naval ship ang Liberian-flagged commercial vessel na lumapit sa West Philippine Sea. Hiningan ng komento kaugnay rito si Sec. Panelo at ang kanyang sabi ay:

“It’s not our concern, because it’s not a Philippine vessel.

“For as long as they do not touch the Philippine ship or vessel, it would be the concern of that country that carries the flag of that particular vessel,” dagdag pa nito.

Nang mabasa ito ni Ogie ay naghimutok siya via Facebook, kalakip ang news story tungkol dito.

“Filipino po ang sangkot. Kababayan natin. Nagkataon lang na sa foreign ship nagtatrabaho.

“Wag kayong ganyan, Ginoong Panelo. Wala na nga kayong naitulong sa kapwa

Filipino mo, ganyan pa maririnig sa yo?

Kitang-kita aniya na walang “concern” si Panelo sa mga sangkot sa insidente, na nagkataong mga Pinoy ang crew ng vessel.

Hindi tuloy naiwasan ni Ogie na isiping may kinikilingan si Panelo sa kung sino ang dapat niyang tulungan na mga kababayan. Nabanggit niya kasi ang DDS, mga dilawan, mga hindi nagbabayad ng tax, at mga botante.

“JuicekoLord! Normal na lang ba talaga ang ganitong kagagahan ng ilan nating government officials? Sobrang nakakalungkot,” sabi pa ni Ogie. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *