Ogie bawal tumanggap ng mga bisita

Kahapon ang 53rdbirthday ni Ogie Alcasid. Puwede naman silang kumain sa labas, pero dahil bawal lumabas ang anak nilang si Nate dahil sa COVID-19 pandemic, sa house lang talaga sila.

The post Ogie bawal tumanggap ng mga bisita first appeared on Abante.

ogie bawal tumanggap ng mga bisita - Ogie bawal tumanggap ng mga bisita
abante ogie alcasid 1 - Ogie bawal tumanggap ng mga bisita

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Ogie bawal tumanggap ng mga bisitaKahapon ang 53rdbirthday ni Ogie Alcasid. Puwede naman silang kumain sa labas, pero dahil bawal lumabas ang anak nilang si Nate dahil sa COVID-19 pandemic, sa house lang talaga sila.

“Dito lang kami sa house. Bale apat kami nina Reg, Leila and Nate. Kasama rin namin household helps, the boy and the driver.

“Kami-kami lang. Bawal visitor!” sabi ni Ogie nang maka-text ko kahapon via Viber app.

Binati ko kasi si Ogie ng happy birthday, kaya nagtsikahan na rin kami ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

So, um-order ba siya ng food?

“I ordered paella and lechon. Then si Reg will cook also.

“So kami-kami lang,” sabi ni Ogie.

Natatawang ikinuwento rin sa akin ni Ogie na may surprise sa kanya ang mag-inang Regine at Nate, pero nabuking daw niya.

“May pa-cake sila. Surprise lang. Pero habang nag-uusap sila kanina, narinig ko, hindi nila alam. Hahaha.

“Pero inamin na sa akin ni Reg.

“Katuwa lang na may ganoong pa-surprise sila, pero nabuking ko na hindi nila alam,” sabi ni Ogie.

Habang kausap ko si Ogie ay nasa room pa siya at hindi pa raw bumababa, kaya hindi rin siya sure kung may nagpadala rin ng gifts at food para nga sa kanyang birthday kahapon.

Pero noong 12:00 midnight daw at birthday na niya, gusto raw siyang asaltuhin ni Regine at nina Leila at Nate, pero hindi na raw siya nahintay ng tatlo.

“Igi-greet nila ako, kaso late na ako umakyat. Ka-Zoom ko kasi mga barkada ko.

“Kaya ngayong morning na lang nila ako nabati,” sabi pa ni Ogie.

At dahil may pandemic pa rin, ang birthday wish ni Ogie ay, “My wish is for COVID-19 to end!”

Well, lahat naman yata ay ganyan ang wish ngayon dahil sobrang affected na ang lahat ng virus na ‘yan, huh!

Sarah enjoy maging teacher kay Zion

Back to school na ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si Zion. Siyempre, parang teachers ni Zion ang kanyang parents.

Tutok ang mag-asawa sa online classes ni Zion. Bale noong Tuesday nag-start ang online classes ni Zion at excited naman ang panganay nina Richard at Sarah.

Aware si Zion sa pandemic na nararanasan ngayon ng buong mundo, kaya naman adjusted na rin ang bata sa online classes.

Actually, noong March naman hanggang mag-summer break ay nag-online classes na rin si Zion.

Kapag bumalik na nga pala si Richard sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” next week, si Sarah na lang ang tututok sa online classes ni Zion.

Mukhang enjoy rin naman si Sarah sa pagiging “teacher” ni Zion!

The post Ogie bawal tumanggap ng mga bisita first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *