OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlog

Pagkatapos na mag-vlog at ibahagi ng actress/vlogger na si Alex Gonzaga ang naging journey niya at ng kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, damay na rin ang boyfriend niya na si Mikee Morada sa pagkakaroon nila ng COVID-19, nagulat kami sa mga nababasa naming reaction ng netizen.

The post OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlog first appeared on Abante.

oa bratinela alex binatikos sa covid vlog - OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlog
alex 2 - OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlog

rose 7 300x156 - OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlogPagkatapos na mag-vlog at ibahagi ng actress/vlogger na si Alex Gonzaga ang naging journey niya at ng kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, damay na rin ang boyfriend niya na si Mikee Morada sa pagkakaroon nila ng COVID-19, nagulat kami sa mga nababasa naming reaction ng netizen.

Bakit ang daming nairita o nagalit kay Alex? Nagulat talaga kami dahil usually, simpatiya at pagkaawa ang mababasa sa mga COVID patient or survivor.

Una, ang daming nao-OA-an kay Alex. Pangalawa, hindi nagustuhan ng ilang netizen ang diumano’y paninisi raw ni Alex sa kasama nila sa bahay na nagdala ng virus kaya nahawa sila.

Feeling ng ilan, nagpapaka-bratinella si Alex na ang concern, yung show niya na naantala ang appearance niya at ang mga wedding preparation nila ng fiancee. Tinitingnan ng iba ito bilang pagiging insensitive raw at yun nga, parang spoiled brat.

Kinukuwestiyon din si Alex kung paano raw nito nasabi na yung kasambahay nga nila ang nagdala ng virus e, dahil sa paggawa ng mga content daw ni Alex sa vlog niya, panay rin naman daw ang labas nito.

Pati ang pagba-Bible study nila ay pinansin ng ibang netizens na nagba-Bible study pa raw, pero kung makapanisi ng iba dahil lang hindi naudlot ang mga personal plan.

Sinagot ito ni Alex sa kanyang Twitter account nang, “Meron po tinatawag na contact tracing. Kakauwi ko lang galing Nueve Ecija shoot at kakatapos lang swab namin at nag-negative ako. May una lumabas ang symptoms at lahat kausap nya after 3 days lumabas symptoms. Ako since asymptomatic Mommy Pinty sa kanya ako nahawa. The first time we did swab testing nag-+ na sila plus mommy. Kami Mikee n daddy nag-negative pa but we knew nahawa na rin kami if my mom has it since we eat together. So before our second test nag-quarantine na rin kami and nag-positive kami. We always do swab test for work.”

Ang take naman namin dito, pasok pa rin talaga yung kasabihan na “you cannot please everybody.” Kung may hindi man type si Alex, may nagsasabing hindi sila natatawa sa mga joke o hirit ng kapatid ni Toni Gonzaga, paano ka naman makakapag-argue sa You Tube account niya na may mahigit 8 million subscriber at million din ang kada-view ng mga content niya.

At dahil free na sa COVID-19, mapapanood na nga si Alex sa bago niyang show sa TV5, ang LOL.

Dingdong, Jennylyn eeksena sa Netflix

Ngayong gabi na sa GMA-7 mapapanood muli ang re-run ng Descendants of the Sun hanggang sa mga fresh episodes na nito.

Papalit na sa time-slot ng I Can See You ang DOTS Ph. Ito ang serye ng GMA na kahit na hindi pa tapos ang run, kahit na inabot ng pandemic ay ang daming recognition na natanggap. Bukod pa sa ito rin ang unang serye ng GMA na mapapanood na sa Netflix.

Sabi nga ng male lead nito na si Dingdong Dantes, “Happy ako hindi lang for Descendants of the Sun, of course, for GMA. Particularly for the Filipino actors because nagkakaroon ng wider reach ang audience. Mas nakakararting sa malayong lugar ang trabaho natin.

“And hopefully, more projects to come sa mga Filipino talents. At salamat sa mga Koreano dahil binigyan niyo kami ng napakagandang istorya. Hindi lang istorya, pati recognition that something we appreciate.”

At regarding sa kissing scene o intimate scenes pa sana nina Dingdong at Jennylyn Mercado, sinigurado naman nito na kahit limitado na ngayon sa mga ganitong eksena, pakiramdam daw nila, mas kilig at mas magandang atake pa ang nagawa nila na dapat abangan.

The post OA, bratinela: Alex binatikos sa COVID vlog first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *