Nora, Maricel ligwak sa MMFF

Opisyal na ngang in-announce ang lahat ng pelikulang kasali sa 45th Metro Manila Film Festival 2019.

nora maricel ligwak sa mmff - Nora, Maricel ligwak sa MMFF
nora x maricel - Nora, Maricel ligwak sa MMFF

Opisyal na ngang in-announce ang lahat ng pelikulang kasali sa 45th Metro Manila Film Festival 2019.

Ilang buwan na nga ang nakaraan nang malaman na pasok sa MMFF ang “Miracle in Cell #7”, “Mission Unstapabol: The Don Identity”, “Sunod” at “The Mall, The Marrier”.

Kahapon, nakumpleto na ang walong kalahok base sa announcement ng Selection Committee. Kabilang nga ang mga pelikulang “Mindanao”, “Write About Love”, “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”, at “Culion”.

Dahil dito, napagsarhan na ng pinto ang Nora Aunor starrer na “Isa Pang Bahaghari” at ang pelikula ni Maricel Soriano na “The Heiress”. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *