Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’

Parehong boses ang puhunan nina Noel Cabangon at Gold Villar-Lim, na parehong mapapanood sa “Rak of Aegis” simula July 5.

The post Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’ appeared first on Abante News Online.

noel cabangon gold magpapasiklab sa rak of aegis - Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’
noel 1 - Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’Parehong boses ang puhunan nina Noel Cabangon at Gold Villar-Lim, na parehong mapapanood sa “Rak of Aegis” simula July 5.

At sa halos gabi-gabing performance na gagawin nila, siguradong sasakit at sasakit ang kanilang mga lalamunan.

“Dati nauubusan talaga ako ng boses. Noong dumating ‘yung panahon na mayroon akong multiple runs for seven days, kinailangan ko na may boses lagi. Natuto akong gamitin ang diaphragm. Kada eksena umiinom din ako ng tubig. Sa teatro kasi ay malamig dahil air-conditioned kaya dapat may diskarte rin para alagaan ang boses,” kuwento ni Gold na naging bahagi ng “Rak of Aegis” mula pa nu’ng first season.

“Bago pa ako kumanta sinisigurado ko na mayroon akong sapat na tulog. Minsan bago ang event, I do cardio exercise. Pero sa sobrang exercise, sumasakit din ang katawan ko. Hahahahaha! Pero, hindi rin ako masyadong nagsasalita.

Hindi ako kumakain ng mga sweets,” sabi naman ni Noel na mas sumikat sa kanyang timeless hit na “Kanlungan,” ang kantang ni-release noong 1992 ng kanyang dating grupo, ang Buklod.

At ngayon nga ay handang-handa na sila. At katuwang nila sa paghahanda ang Sorexidine, na sumusuporta sa PETA sa pagbabalik ng “Rak of Aegis.”

“Kami po ay excited na part pa rin kami ng ‘Rak of Aegis’ sa kanilang ika-7 season bilang sponsor. Tamang-tama po ito sa campaign ng Sorexidine na, ‘Kapag boses ang puhunan’,” sabi ni Tomas Luke Marcelo ‘Beau’ Agana, ang Pharex Healthcorp president.

Malaking tulong nga raw ang Sorexidine para mapanatiling ligtas sa bacteria ang mga bibig, lalamunan, kaya ang payo nila ay magmumog dalawang beses sa isang araw.

ABS-CBN humakot ng parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards

Ang ABS-CBN ang nag-iisang TV network sa buong bansa na kinilala sa prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards, matapos magwagi ng tatlong parangal ang malikhaing digital campaigns nito.

Ang taunang Asia-Pacific Stevie Awards ang nag-iisang awards program na kumikilala sa pambihirang achievements ng iba’t ibang negosyo sa buong Asia-Pacific region.

Ang Stevie Awards ang itinuturing na nangungunang business awards sa mundo sa 17 taon nitong pagbibigay-parangal sa mga natatanging proyekto at kompanya mula sa iba’t ibang bansa.

Nagwagi ng Gold Stevie Award for Innovation in Entertainment Websites ang microsite ng ABS-CBN na Moonchasers, na inimbitahan ang mga manonood at tagasubaybay online na maging bahagi ng isang secret organization na pinag-aaralan ang mahiwagang mundo ng mga bampira at lobo sa hit Kapamilya teleseryeng “La Luna Sangre.”

Isang Silver Stevie Award for Innovation in Social Media Marketing naman ang iginawad sa McDo BonFries campaign na inilunsad ng ABS-CBN kasama ang partner nitong McDonald’s Philippines. Sa pamamagitan nito, napanood nang live at nakapag-cheer ang iba’t ibang UAAP students at fans para sa kanilang pambatong team sa inaabangang UAAP Cheerdance Competition sa pamamagitan ng Twitter, Facebook, at YouTube.

Nakatanggap din ang ABS-CBN ng Silver Stevie Award for Innovation in Content Marketing/Brande­d Editorial para sa proyekto nitong Unilever Story Studio, na gumawa at naghatid ng iba’t ibang uri ng epektibong online content para sa iba’t ibang produkto ng Unilever.

Kinikilala ng 2019 Asia-Paci-fic Stevie Awards ang iba’t ibang organisasyon sa Australia, mainland China, Fiji, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Macao, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, USA, at Vietnam.

Higit sa 900 na nominasyon naman ang natanggap nito mula sa buong Asia-Pacific region na kinilatis ng halos 200 mula sa buong mundo.

The post Noel Cabangon, Gold magpapasiklab sa ‘Rak of Aegis’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *