Nilampaso sina Daniel, Enrique, James: Alden sexiest man sa ‘Pinas

Nanguna sa “100 Sexiest Men in the Philippines” ang Asia’s Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards sa pa-survey ng Starmometer.com with 56.9% votes.

nilampaso sina daniel enrique james alden sexiest man sa pinas - Nilampaso sina Daniel, Enrique, James: Alden sexiest man sa ‘Pinas
alden 21 - Nilampaso sina Daniel, Enrique, James: Alden sexiest man sa ‘Pinas

Nanguna sa “100 Sexiest Men in the Philippines” ang Asia’s Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards sa pa-survey ng Starmometer.com with 56.9% votes.

Dalawang magkasunod na taon na ngang kinikilala si Alden bilang una sa listahan sa naturang survey.

Nagsimula ang botohan sa survey noong September 2 matapos ianunsyo ang sampung finalist mula sa daan-daang mga nominee.

Binase ang kanilang pinagpilian sa criteria na: 30% charm, 40% physique at 30% popularity index (visibility in the last 12 months).

Umaapaw talaga ang mga blessing sa aktor dahil kailan lamang ay nanalo nga ito sa Seoul International Drama Awards ng “Asian Star Prize” at ngayon naman ay bongga ang teleserye niya.

Heto naman ang iba pang kalalakihan na pasok sa listahan ng 100 Sexiest Men in the Philippines: Daniel Padilla na number 2 with 11.91% votes, ikatlo naman si Enrique Gil with 10.57% votes, ikaapat si Dingdong Dantes at pangalawang beses na nasa ika-limang puwesto naman si James Reid.

Narito naman ang lima pa mula sa ika-6 hanggang ika-10: Derek Ramsay, Carlo Aquino, Coco Martin, Marco Gumabao, at Erwan Heussaff. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *