Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyan

Ipinagtanggol si Andi Eigenmann ng kanyang mga follower sa mga nanlait sa mga kamot niya sa tiyan na dulot ng pagbubuntis niya ngayon. Ikalawang pagbubuntis na ito ni Andi, at ang una nga at sa anak nila ni Jake Ejercito. Isang surfer ang boyfriend niya ngayon.

The post Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyan appeared first on Abante News Online.

nilait ng fan andi kadiri ang mga kamot sa tiyan - Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyan
ABANTE ANDI - Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyan

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyanIpinagtanggol si Andi Eigenmann ng kanyang mga follower sa mga nanlait sa mga kamot niya sa tiyan na dulot ng pagbubuntis niya ngayon. Ikalawang pagbubuntis na ito ni Andi, at ang una nga at sa anak nila ni Jake Ejercito. Isang surfer ang boyfriend niya ngayon.

Nag-post si Andi sa Instagram ng larawan niya na hawak ang isang bowl of healthy food. Galing sa taas ang shot, at kitang-kita ang laki ng tiyan niya, at malinaw rin ang mga kamot sa kanyang tiyan.
Napansin ito ng mga follower/basher at sinabing napakapangit at nakakadiri ang mga kamot niya sa tiyan.

@ynesaguirre08, “kadiri ang tiyan potah.”
At agad ngang pumalag ang fan ni Andi:
@yashita_avantika_2:  “@ynesaguirre08, nakakahiya naman sa mukha mo..ay wala nga palang mukha malamang kadiri kaya di mo pinakita.”

Anyway, marami rin ang pumuri sa pangangalandakan ni Andi ng kanyang mga kamot sa tiyan.

Bea Binene bilib sa tapang ni Grace Poe

Nakahanap ng kaal-yansa si Lovi Poe sa half-sister na si Sen. Grace Poe na tumatakbo ulit ngayon sa pagka-Senador. Nag-post si Bea Binene ng larawan nila ni Sen. Grace sa kanyang Instagram at isang mahabang message ang mababasa mo na nagpapaliwanag kung bakit niya ini-endorso ang kapatid ng kapwa niya Kapuso star.

Ayon kay Bea, una pa lang niyang nakilala si Sen. Grace sa Bukidnon, sa Kaamulan Festival ay naobserbahan na niya ang mga katangian nito, na kalmado pero matapang, matalino pero mapagkumbaba, madaling lapitan pero hindi puwedeng maliitin dahil sa kanyang integridad.

Binanggit din niya na ang pinaka-importante sa lahat ay ang pagiging mabuting ina ni Sen. Grace. Hindi rin daw ito selfish.

Sunshine tinanggi ang pag-iinarte sa Taiwan

Ipinagdiinan ni Sunshine Cruz na hindi kaartehan ang shout-out niya tungkol sa bed bugs na inireklamo niya sa hotel na tinutuluyan nila sa Taiwan kamakailan. Kahit may mga pruweba at photo pa si Sunshine ng mga kagat ng bed bugs at epekto nito sa balat niya at ng mga kasama niya, marami pa rin ang nagsabing sobrang OA at arte lang niya.

Iginiit ni Sunshine na ang posting niya ng bed bugs sa hotel sa Taiwan ay para warningan ang mga nagnanais na mag-check in sa nasabing hotel. Hindi nga raw biro ang kati at matagal na pagmamarka sa balat niya sanhi ng ang bed bugs.

Sabi pa niya, gamitin ang boses para makatulong sa iba lalo na ang mga kapwa niya Pinoy.

Daniel, Karla dinumog sa kampanya ni Rommel

Kung sakaling palarin sa eleksyon si Rommel Padilla bilang Congressman ng unang distrito sa Nueva Ecija, ‘yun ay dahil sa kontribusyon nina Karla Estrada at Daniel Padilla. Todo ang suporta kay Omeng/Rommel ng dating kasintahan, at anak na si Daniel.
Naka-post pa sa Instagram ni Karla ang ilang mga kaganapan sa pag-iikot nila sa Guimba.

Makikita na pinagkakaguluhan ang motorcade nina Daniel, Karla at Rommel. Sabi pa ni Karla, tumulo ang luha niya sa nakitang suporta ng mga tao sa kanila.

Makikita rin ang selfie photo nina Karla, Daniel at Rommel. Malakas talaga ang hatak ng presensiya nina Karla at Daniel sa motorcade, na kung ito ang magiging basehan ay siguradong panalo na si Omeng.

The post Nilait ng fan: Andi kadiri ang mga kamot sa tiyan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *