Nicole Barretto may ‘kaugnayan’ kay Gabby Concepcion

Alam mo, Dondon, ­tutok ang ­sambayanan sa ­ti­nagurian ­ngayon na “teleserye ng ­totoong ­buhay”, ang mga ­pangyayari sa pamilya nina ­Gretchen, Marjorie at ­Claudine ­Barretto.

nicole barretto may kaugnayan kay gabby concepcion - Nicole Barretto may ‘kaugnayan’ kay Gabby Concepcion
nicole - Nicole Barretto may ‘kaugnayan’ kay Gabby Concepcion

Alam mo, Dondon, ­tutok ang ­sambayanan sa ­ti­nagurian ­ngayon na “teleserye ng ­totoong ­buhay”, ang mga ­pangyayari sa pamilya nina ­Gretchen, Marjorie at ­Claudine ­Barretto.

Ang bongga dahil pati si Nicole Barretto ay kila­lang-kilala na ng publiko dahil sa gulo nila ng auntie niyang si Gretchen.

Marami ang interesado kung ano na ba ang latest sa kanila. Kung may “subplot” ba sa “teleserye nila, huh! Ang bongga!

Anyway, sa katatanong ko kung ano na ba ang latest, may nakapagtsika sa akin na nanay pala ni Nicole, si Marichi Ramos, girlfriend pala ni Mike ­Concepion?

Sino si Mike Concepcion, siya kung kapatid ni Gabby ­Concepcion na kaalitan ng aktor.

Sabi ng taong nakausap ko, ikakasal na raw ang nanay ni Nicole sa kapatid ni Gabby.

Sa London, United Kingdom daw ikakasal sina Mike at ­Marichi.

Wow, bongga!

Anyway, lumalala man ang mga intriga sa pamil­ya Barretto, marami pa rin ang umaasa na magkakaayos-ayos pa rin sila at happy ang magiging ­ending ng kanilang “teleserye”.

Pati ‘yung problema sa magkaptid na Gabby at Mike, marami rin ang umaasang magkakaayos sila.

Dahil kahit ano pa ang sabihin, ang magkakapamilya ay magkakapamilya at kahit sinusu­baybayan natin ang mga pangyayari sa kaguluhan sa kanilang mga buhay ay hindi pa rin maiaalis ang katotohan na magkakadugo nga sila at tayo ay pawang outsiders lang sa kanilang pamilya!

Agree, Dondon? (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *