Nico nakakatunaw ng puso ang mensahe kay Solenn

Mas lalong hinangaan ng mga fan at mga kapwa artista ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico nang magbahagi ito ng nakakaantig na post tungkol sa pagbubuntis ni Solenn.

nico nakakatunaw ng puso ang mensahe kay solenn - Nico nakakatunaw ng puso ang mensahe kay Solenn
solenn x nico - Nico nakakatunaw ng puso ang mensahe kay Solenn

Mas lalong hinangaan ng mga fan at mga kapwa artista ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico nang magbahagi ito ng nakakaantig na post tungkol sa pagbubuntis ni Solenn.

Inilahad ng model kung gaano niya na-appreciate lalo ang kanyang asawa simula nang magbuntis ito.

“Since I met Solenn, I always felt that she was too good for me; but, since she is pregnant, I don’t only feel she is too good for me, but I also feel like the most useless human being on earth. If the pregnancy was a band playing, Solenn would be the one directing the band and playing all the instruments while I would be one smashing the cymbals every 30 seconds,” unang bahagi ng kuwento ni Bolzico.

Ayon pa kay Bolzico, ang buong akala niya ay ganap na niyang kilala ang buong pagkatao ng kanyang asawa pero na-realize niya na mas matapang pa si Solenn habang nagbubuntis ito.

“We think we are the stronger gender, but we don’t understand how wrong we are until we see them being pregnant; so we should be 100% there for them to make sure we make ourselves useful if/when they need us, don’t complain, don’t ask questions just do what your woman ask you to do, because you will never be able to do what she is doing for you!” dagdag pa ni Bolzico sa kanyang appreciation post.

Sa huling bahagi naman ng kanyang post para kay Solenn, pinasalamatan niya ang kanyang asawa sa lahat ng ginawa ng misis nito para sa kanilang pamilya.

Grabe talaga at napaka-sweet at nakatutunaw ng puso ang naging mensahe ni Bolzico na maski ang mga celebrity, mapa-Kapuso man o Kapamilya ay napukaw ang atensyon.

Trending pa nga ang post na iyon sa Twitter dahil maraming kababaihan ang labis na kinilig at humihiling ng lalaking katulad ni Bolzico na magmamahal sa kanila.

Saan nga ba makatatagpo ng lalaking katulad ni Nico? Sana all talaga! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *