Netflix isalang sa MTRCB – Sen Gatchalian

Maraming netizens ang nag-react sa pakikialam daw ni Senator Win Gatchalian na lagyan daw ng MTRCB ratings ang mga show na nai-stream online via Netflix, Amazon Prime, Apple TV, iWant at HOOQ.

netflix isalang sa mtrcb sen gatchalian - Netflix isalang sa MTRCB – Sen Gatchalian
win gatchalian 3 - Netflix isalang sa MTRCB – Sen Gatchalian

Maraming netizens ang nag-react sa pakikialam daw ni Senator Win Gatchalian na lagyan daw ng MTRCB ratings ang mga show na nai-stream online via Netflix, Amazon Prime, Apple TV, iWant at HOOQ.

May pangamba raw si Gatchalian na maraming Pinoy na kabataan ang puwedeng magkaroon ng access sa mga streaming services na ito kunsaan ang karamihan ng shows ay may sexual content at violence.

Sey naman ni MTRCB Chairperson Maria Rachel Arenas, that the law currently limits them to exercising their powers over traditional movie and television content.

Aware rin si Arenas na ang mga streaming services na ito ay may sinusunod na law registered outside the Philippines.

“The difference is, of course, their law is different from us. I think what I understand is they outsource the reviewers which we cannot do. So we told them during our meeting that they should adopt our rating system.”

Talak naman ng netizens na huwag makialam si Gatchalian sa mga streaming services dahil may classifications na ito para sa mga manonood. Kaya nga raw may password and mga ito para maiwasan na may mga minors na makapanood.

Isa raw sa affordable entertainment ang streaming online dahil sa isang buwan na bayad (na very affordable) isang katutak na movies (local and foreign) at TV series ang mapapanood na.

Compared daw sa sinehan na magbabayad ka ng 280 to 350 pesos ay isang pelikula lang ang mapapanood mo.

Tumulong na lang daw siya na makahanap ng solusyon sa matinding trapik sa EDSA kesa nakikialam siya sa mga pinapanood ng mga tao. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *