Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik Pilipinas

Balik Pilipinas nga si 2012 Miss Universe 1st runner up Janine Tugonon, dahil isa nga siya sa mga hurado ng Miss Universe Philippines 2020.

The post Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik Pilipinas first appeared on Abante.

negative sa covid 19 janine tugonon balik pilipinas - Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik Pilipinas
Janine Tugonon - Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik Pilipinas

dondon sermino 11 - Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik PilipinasBalik Pilipinas nga si 2012 Miss Universe 1st runner up Janine Tugonon, dahil isa nga siya sa mga hurado ng Miss Universe Philippines 2020.

Kaloka lang na sa panahon ngayon, sangkatutak talaga ang pagdadaanan mong proseso bago ka makatungtong sa destinasyon mo.

Anyway, mula Amerika nga ay detalyadong dinokumento ni Janina ang pinagdaanan niya, mula sa pagpapa-swab test, hanggang sa paglapag sa Pilipinas.

Kuwento ni Janine, ang 12 oras na swab test result ang pinili niya na nagkakahalaga ng P10K, sa halip na ang P4K, na aabutin ng 3 araw ang resulta.

Para kay Janine, mas tipid ang 12 oras na resulta, dahil hindi na niya kailangang mag-stay sa quarantine hotel ng tatlong araw, na mas mahal nga raw.

Yes, negative si Janine sa coronavirus, at excied na nga siyang makita ang pamilya niya rito sa Pilipinas, mga kaibigan, mga kasamahang beauty queen, at mga kandidata sa Miss Universe PH 2020.

***

Pia, Sarah Wurtzbach nagkaayos na

Ang mga kuwento ng mga babaeng inabuso ang madalas laman ng Instagram story ni Sarah Wurtzbach ngayon. Tila siya nga ang bagong ‘tenga’ o sumbungan, hingahan ng sama ng loob ng mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso.

Anyway, sa mensahe ng fan na si ksgn28, iginiit niya ang mga linyang “Please dont tell me Pia unfollowed you ’cause of this.”

Pero sagot ni Sarah: “ @ksgn28

https://www.instagram.com/ksgn28/

I actually had a wonderful chat with her today. The sarcasm isn’t needed. God bless your beautiful soul.”
Well, sapat na siguro `yung sinabi niya na nagkaayos na silang magkapatid. Pero sabi nga ng iba, ‘the damage has been done’ at mahirap na ngang mabura sa isip ng marami ang mga pinagsasabi niya tungkol kay Miss Universe 2015.

Pero para sa ikatatahimik ng isip ng mga nagmamahal kay Pia, okey na rin `yung kahit papaano ay natigil na ang ‘giyera’ na biglang pinasabog ni Sarah. At hiling nila na sana nga ay tuloy-tuloy na ang katahimikan sa pagitan nina Sarah at Pia.

***

Jodi todo kampanya vs coronavirus

Paunti-unti na ngang sumusubok ang mga tao na ipagpatuloy ang buhay sa ilalim ng new normal. Kahit may takot at alinlangan dahil sa banta ng COVID-19, sige lang kasi kailangan para sa mga taong umaasa sa atin.

Nakakalungkot lang minsan, na habang ingat na ingat ka at sumusunod sa health and safety protocols na inilabas ng Department of Health (DOH) ay marami pa rin ang hindi sumusunod o ‘di kaya ay nakakalimutang sundin ang mga guidelines para makaiwas sa sakit o para hindi makahawa.

Kaya very timely and relevant itong bagong public service campaign ng Unilab, Inc. na may pamagat na “Malasakit Para Sa Isa’t Isa.” Layunin ng campaign na ito na paigtingin ang nasimulan ng kampanya ng DOH laban sa coronavirus.

Mismong ang mga brand ambassador na sina Jodi Sta. Maria at Dimples Romana ang nag-post ng nasabing public service ad sa kanilang mga social media page upang palaganapin ang mensahe nito na talaga namang akmang-akma sa panahon.

Patuloy na umaani ng blessings itong dalawang premyadong mga aktres na ito sa kabila ng mga nangyayari hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa buong mundo mismo. Si Jodi ang kasalukuyang mukha ng Biogesic at Biogesic for Kids nitong huling anim na taon, habang si Dimples naman ay ang isa sa pinakabagong kapamilya ng Unilab na ngayo’y nag eendorso na ng pambatang Solmux kasama ang napakabibo niyang anak na si Alonzo.

Malalim ang mensahe ng kampanyang ito ng Unilab dahil hindi lamang ito tungkol sa mga protocols. Tungkol din ito sa pagkakaroon ng malasakit na sabihan ang iba kung sila ay nakakalimot na sumunod. Magalang na pagpapaalala at may ngiti sa labi dahil ginagawa ito ng may tunay na pag-aalala para sa iba.

Naiiba itong kampanya na ito dahil hindi ito nakatuon sa pansarili lang. Ipagpalagay mo na maingat ka, pero paano naman ang iba na kailangan ng paalala, lalo na yung mga pasaway. At kung sakali man na ikaw naman ang makalimot, hindi mo ba gugustuhin na may magpaalala rin sa’yo?

The post Negative sa COVID-19: Janine Tugonon balik Pilipinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *