Nash tinalbugan si Gerald sa ‘pambababae’

Si Nash Aguas na nga ba ang next Gerald Anderson? O mas malala siya kay Gerald? Ito ang obserbasyon ng maraming netizen dahil kung ano ang naging pattern ni Gerald sa mga naging karelasyon nito (Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo), eh parang gano’n na rin daw ang sinusunod ni Nash.

nash tinalbugan si gerald sa pambababae - Nash tinalbugan si Gerald sa ‘pambababae’
nash aguas 1 - Nash tinalbugan si Gerald sa ‘pambababae’

Si Nash Aguas na nga ba ang next Gerald Anderson? O mas malala siya kay Gerald? Ito ang obserbasyon ng maraming netizen dahil kung ano ang naging pattern ni Gerald sa mga naging karelasyon nito (Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo), eh parang gano’n na rin daw ang sinusunod ni Nash.

Nag-trending sa social media ang naging birthday message nito kay Mika dela Cruz na “13 years & I’m still in love with you.”

Dito nawindang ang ilang netizens dahil sa naging interview nito sa “Tonight with Boy Abunda” noong April 2017, umamin si Nash na sobrang in-love siya sa girlfriend nito that time na si Alexa Ilacad. Naalala pa ng netizens ang sinabi ni Nash na babakuran niya si Alexa para maharang ang mga gustong lumigaw rito.

Dahil sa issue na ito kay Nash, tinawag na siyang two-timing boyfriend. Na pinagsabay niya ang relasyon niya kay Mika kay Alexa. Wala raw siyang pinagkaiba kay Gerald Anderson.

Heto ang ilang reaction via Twitter:

“So, if for 13 years Mika and Nash are an item, did he also say I love you to Alexa in those 13 years? So he said I love you to both somewhere in those years? Wow! Gerald Anderson in the making ang Nash Aguas ah! #NashAguas#AlexaIlacad.”

“In two months you replaced us” -Selena Gomez(Lose you to love me.”

“Inside that 13 years………where was I?”-Alexa Ilacad (Tonight with boy abunda)#LoseYouToLoveMe #AlexaIlacad #nlex #jelena #SelenaGomez #NashAguas #JustinBieber.”

“In this world full of Gerald Anderson and Nash Aguas, be a Daniel Padilla, a man of his words.”

“Be my Joshua Garcia, Enrique Gil, James Reid and Daniel Padilla in this world full of Skusta Clee, Gerald Anderson, Nash Aguas and Elmo Magalona.”

“Gerald Anderson is shaking bc of Nash Aguas.”

Nagkataon pa na magkasama sina Gerald at Nash sa teleserye ng ABS-CBN 2 na “A Soldier’s Heart”. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *