Nash ipinagkalat na nanlalaki si Alexa

Bumibilib kami sa pagiging straight-forward at tapang ng Kapamilya star at bida ng horror movie ng Horseshoe Productions na “Santigwar” na si Alexa Ilacad.

nash ipinagkalat na nanlalaki si alexa - Nash ipinagkalat na nanlalaki si Alexa
nash x alexa - Nash ipinagkalat na nanlalaki si Alexa

Bumibilib kami sa pagiging straight-forward at tapang ng Kapamilya star at bida ng horror movie ng Horseshoe Productions na “Santigwar” na si Alexa Ilacad.

Nag-viral at talagang pinag-usapan nang una naming ma-interview si Alexa sa last shooting day ng “Santigwar” kunsaan, in all fairness to her, wala naman nga siyang sinabing masama, lalo na kay Mika dela Cruz, pero naging very open siya nang matanong tungkol kay Nash Aguas at naramdaman niya nang mag-post si Nash na all through-out the thirteen years, it was Mika for him.

Normal na reaction ni Alexa na naging ka-MU raw ni Nash for ilang years din.

So ‘yun na nga, umabot pa sa “Tonight with Boy Abunda” at nilinaw ni Alexa muli. Nakatatanggap daw siya ng mga pamba-bash dahil sa naging interview niya at to the point na “ipinagkakalat” daw ni Nash na nanlalaki siya kaya sila nagkaroon ng falling-out.

Hindi na raw niya ma-take na manahimik sa ipinagkakalat na nanlalaki siya.

“Kaya ako nasaktan, kasi hindi niya lang sinabi sa akin, pinagkalat niya. ‘Yung makeup artist na ka-close namin, nagulat na lang ako, totoo ba ‘yung sinabi ni Nash na nanlalaki ka raw? Pati sa Assistant Director namin. Do’n ako pinaka na-hurt, talagang pinagkalat niya.”

‘Yun daw talaga noon pa ang paniniwala ni Nash, na nanlalaki siya.

“It’s so hard to tell someone the truth when there’s already something that stuck in their head. Sure na sure na siya,” sey ni Alexa.

Nagsimula lang daw ‘yun nang i-push niya ang music niya at miyembro raw ito ng banda na brother ng bestfriend niya.

“Ayoko silang i-drag rito dahil hiyang-hiya ako, nananahimik sila.”

Napag-usapan na raw nila ni Nash ang tungkol dito at sabi nga niya, naging seloso at controlling daw si Nash. Akala raw niya, malinaw na rito na hindi siya nanlalaki, pero hayan at nakakabalita siya na kinukuwento nito.

“Paano ‘ko manlalaki, e, wala nga akong jowa!”

Hinamon din ni Alexa si Nash na i-prove ang sinasabing nanlalaki siya kaya sila nagkaroon ng falling-out sa kanilang not-so-official relationship noon.

Bukod kay Nash, nabanggit din ni Alexa na nakumpirma niya na maging si Sharlene San Pedro ay inaatake siya.

“They we’re teaming-up against me. I confirmed that it was real. And hindi lang sila, buong group nila. ‘Yung iba naman talaga ro’n, ‘Goin’ Bulilit’ pa lang, binu-bully na ko. But I was really pinaka-hurt kay Sharlene kasi, I thought we’re friends. Kaya lang, nagulat ako one day na ano ‘to, inaaway nila kami ni Jairus (Aquino).”

Toxic at nasasakal na raw siya kaya siya napilitang sumagot na talaga ngayon. Nilinaw rin niya na walang koneksiyon ang promo ng movie niya kaya siya nagsasalita.

“I was asked and I just answered, ‘yun lang ‘yun,” sabi niya. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *