Napikon kay Vice Ganda:‘Wag mo akong sagarin — Charo

Inabangan ng marami ang Gandang Gabi Vice last Sunday, dahil si Charo Santos-Concio ang guest ni Vice Ganda. Nanginig sa kaba si Vice sa paghahanda sa interview sa kanyang boss.

The post Napikon kay Vice Ganda:‘Wag mo akong sagarin — Charo appeared first on Abante News Online.

napikon kay vice gandawag mo akong sagarin charo - Napikon kay Vice Ganda:‘Wag mo akong sagarin — Charo
2019 Abante Charo Santos - Napikon kay Vice Ganda:‘Wag mo akong sagarin — Charo

Inabangan ng marami ang Gandang Gabi Vice last Sunday, dahil si Charo Santos-Concio ang guest ni Vice Ganda. Nanginig sa kaba si Vice sa paghahanda sa interview sa kanyang boss.

Sa halos siyam na taon sa ere ng GGV, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na napaunlakan siya ni Charo na ma-interview ito, kaya naman pula raw ang isinuot niya bilang paghahanda.

Sa chikahan nila, hindi makapaniwala si Vice sa mga salitang binitawan ni Charo tulad ng ‘Charot’, ‘Chos’, ‘Chenelyn’ at ‘Pakak!’. Todo halakhak ang mga fan sa bawat gay lingo na binabanggit ni Charo.

“Isang karangalan, Vice, pero gusto ko kasing malamang kung may sama ka ng loob sa akin?” paunang tanong ni Charo kay Vice, at hindi nga agad nakaimik ang host. Napansin daw kasi ni Charo na mula sa unang concert pa lang ni Vice, hanggang sa nitong nakaraang Pebrero, ay lagi siyang pinaglalaruan.

“Bakit lagi mo akong pinaglalaruan?” mukhang seryosong tanong ni Charo.

Ipinakita sa big screen na ginagaya ni Vice si Charo sa kanyang concert.

“Masakit eh, masakit. Ni hindi ka nga nagpapaalam sa akin. So Vice, magtapat ka na!” hamon ni Charo kay Vice.

Agad namang sinabi ni Vice kay Charo na wala siyang sama ng loob, at ang tanging nararamdaman daw niya ay pasa­salamat at labis na pagmamahal. Sabi pa ni Vice, sa paghahanap niya ng kalinga ng isang ina noon dahil nag-abroad nga ang kanyang ina, ipinaramdam daw ni Charo na may gumagabay sa kanya bilang isang ina.

Bigla ngang napaluhod si Vice at niyakap naman siya ni Charo.

Pero sey nga ni Charo, wala namang nagawa si Vice na na-offend siya pero masakit lang daw na inililipat-lipat ang kanyang nunal sa mukha.

“Hindi na nirespeto, ‘di ba? Kung mag-i-impersonate ka, make sure na nao-observe mo lahat about the person. So ‘yung tamang lugar ng aking nunal ay mahalaga. ‘Wag mong nililipat-lipat!” sabi ni Charo na may himig pagbabanta.

Giit pa ni Charo na huwag paglaruan ang kanyang nunal dahil ‘yon ang kanyang lucky charm. Humingi ng paumanhin si Vice.

“Ako ay mapagpatawad na tao pero huwag mo akong sasagarin. Baka masampolan kita!” sagot ni Charo at nagtawanan nga ang mga tao sa studio.

Pero siyempre, biruan lang ang lahat, at ang kasunod ay pinuri na ni Charo si Vice dahil sa husay at talino nito.

Mahaba pa ang kasunod na eksena nila, at sa susunod na lang namin isusulat. (Athena Yap)

The post Napikon kay Vice Ganda:‘Wag mo akong sagarin — Charo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *