Napaso na ako sa ‘players’ at elected officials’ – Kris

Ang alam ko, doktor, abogado, piloto ang mga inaasam ni Kris Aquino na gusto niyang maging ka-Facebook, kaibigan, na eventually, kung mabibigyan ng pagkakataon, ay maging dyowa na rin.

napaso na ako sa players at elected officials kris - Napaso na ako sa ‘players’ at elected officials’ – Kris
kris aquino 4 - Napaso na ako sa ‘players’ at elected officials’ – Kris

Mark Leviste na-friendzone?

Dondon Sermino Paistaran 8 336x224 - Napaso na ako sa ‘players’ at elected officials’ – KrisAng alam ko, doktor, abogado, piloto ang mga inaasam ni Kris Aquino na gusto niyang maging ka-Facebook, kaibigan, na eventually, kung mabibigyan ng pagkakataon, ay maging dyowa na rin.

In-announce nga ni Kris na ready na siyang mag-entertain ng mga bagong kaibigan na lalaki, at aprubado nga raw sa mga anak niyang sina Josh at Bimby, kung sila ay doktor, abogado, piloto.

So, wala sa listahan ni Kris ang politiko. Pero, sa latest na Instagram post ni Kris, isang politiko (former Governor ng Batangas at mula sa angkan ng mga politiko) nga ang naghayag ng kanyang intensiyon, si Mark Leviste.

“Looking for someone single, aged 41?” comment ni Mark sa IG post ni Kris.

At siyempre, may reply si Kris sa mensaheng ito ni Mark.

“@markleviste Vice Gov – di ba si @cathyvalencia ang pinopormahan mo? I’m in negotiations with her now… baka mawala pa eh good offer pa naman,” sabi ni Kris.

Eh, humirit nga si Cathy Valencia (CEO & Founder Cathy Valencia Advanced Skin Clinic).

“@krisaquino no we’re just friends . And I want us to only remain friends,” hirit ni Cathy.

“@cathyvalencia see you soon? We’re home this weekend, are you back?”

“Hi Kris! Yes back to work. Hope to see you soon.”

At siyempre, hinarap din ni Kris ulit ang mensahe ni Mark Leviste:

“@markleviste Vice Gov- napaso na sa ‘players’ (literal & figurative) and sa elected officials. You have a (check sign) in both boxes. Not ‘looking’ but I look forward to getting to know you better & befriending you.”

Oh, ‘di ba? Parang basted ba agad si Mark kay Kris? Na parang na-friendzone agad si Mark kay Kris?

“@krisaquino Fair enough. Something to look forward to.”

Pero ang mga netizen, tila kinilig sa kanila, na sini-ship nga nila ang #MarKris.

ser_chipzz, “@markleviste @krisaquino wow the MarKris. push mo yan Vice-Gov di lang kta sa election iboboto kundi pati dito.”

giopranter1981, “@markleviste omg make this happen @krisaquino you deserve all the love.”

_melai.j_, “@krisaquino may kilig na hatid.”

Frelinj, “@markleviste something to look forward to.. Why not give a try miss @krisaquino dba love love love…”

jjchan19, “@markleviste @krisaquino best match ever. Parehong single and from great political families. Good single parents, go for it! Push nyo yan!”

Siyempre, hindi mawawala ang mga nagne-nega, o tutol.

gemhire, “@markleviste #Gamitan.”

seesmichelle, “@markleviste sana sir your intention with Ms. @krisaquino is really true. Pls take good care of her. Goodluck!”

Na sagot lang ni markleviste: “@seesmichelle Don’t we all care for Miss @krisaquino?”

Anyway, sa himig ng pananalita ni Kris, parang wala namang pag-asa ang MarKris, eh. Ayaw nga niya ng politiko, ‘di ba? At players (basketball).

Well…

Joe Nakamura, Kondo Yohdo napasabak sa bawal na pag-ibig

Sa panahon ngayon na lahat ay pabago-bago, darating tayo sa punto na may mga gusto rin tayong tikman, damhin, mga bagay na hindi natin nagawa noon.

Pero, paano kung ang gusto mong pagbabago ay makasisira sa iyo? Ganiyan nga ang tema ng Japanese movie na “Athlete” na kuwento ng dalawang lost souls na nakita ang mga sarili nila na nagmamahalan, isang relasyon na ipinagbabawal ng lipunan.

Ang former swimming athlete, Kohei is living a normal life with his wife and daughter. Nagbago ang buhay niya nung iniwan siya ng misis niya.

At dito niya nakilala si Yutaka, a handsome young man na may mataas na pangarap. At ang friendship nila ay nauwi sa romansa.

At dito nga sila kailangang magdesisyon, ipaglalaban ba nila o isusuko agad ang pagmamahalan nila?

Bida sa “Athlete” sina Joe Nakamura at Japanese actor and singer, Kondo Yohdo. Mapapanood ito sa September 25 sa Robinsons Movieworld.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *