Napaamo ni Atong? Greta biglang nanahimik

Ay, si Atong Ang lang pala ang makakapagpatahimik kay Gretchen Barreto! Pero, hindi tayo sure kung hanggang kailan siya mananahimik, ha! Baka nag-iipon pa ng mga bala.

napaamo ni atong greta biglang nanahimik - Napaamo ni Atong? Greta biglang nanahimik
gretchen 6 - Napaamo ni Atong? Greta biglang nanahimik

Ay, si Atong Ang lang pala ang makakapagpatahimik kay Gretchen Barreto! Pero, hindi tayo sure kung hanggang kailan siya mananahimik, ha! Baka nag-iipon pa ng mga bala.

Anyway, ilang linggo na ang nakalipas mula nu’ng pumutok ang isyu tungkol sa hidwaan ng magkakapatid na Barretto, hanggang sa magsanga-sanga na ang lahat at kung sino-sinong tao na ang nadadawit sa kanilang away.

Kabilang nga sa mga pangalang nadawit ay ang mga pamangkin na sina Julia at Nicole Barretto, kasama rin sina former Caloocan Mayor Recom Echiverri, at pati na sina Ruffa Gutierrez. Pati na rin ang yumaong boyfriend ni Claudine na si Rico Yan.

Pero ang pinakapinag-initan ay ang businessman na si Atong Ang dahil sa umano ay relasyon niya kina Nicole, Claudine at Gretchen.

Nitong Huwebes (October 24) ay binasag na nga ni Atong ang kanyang katahimikan para linawin ang kanyang panig. Aniya, hindi siya ang makakapagsabi kung nagkaroon ba talaga sila ng relasyon ni Nicole pero itinanggi nito ang relasyon kina Gretchen at Claudine.

At sa pagtatapos ng panayam ni Kabayan Noli de Castro kay Atong, sinabi ng businessman na dapat nang itigil ng magkakapatid ang iskandalong ginagawa ng mga ito sa publiko.

At matapos nga ang panayam na iyon kay Atong, kapansin-pansin ang pagtahimik ni Greta sa kanyang mga IG post and story sa isyung ito, ha! Ni wala siyang pinost tungkol doon, kahit ilang oras na ang nakalipas mula nang magsabi si Atong na itigil na o manahimik na ang mga Barretto.

Noong mga nakaraang araw kasi ay walang tigil si Greta sa pag-post, at repost ng mga screenshot ng pagpanig sa kanya ng mga tao tungkol sa isyu nilang magkakapatid. Inilalabas din niya ang mga ebidensiya umano laban sa kanyang kapatid at mga pamangkin na kaaway niya.

Pero ngayon nga ay balik normal na ulit ang mga post ni Greta na tila walang nangyaring gulo sa kanilang pamilya, ha! Ito na nga kaya ang katapusan ng kanilang gulo? O mananahimik na lang muna siya?

O, tama ba ang sapantaha ng marami, na bilang isang mabait na dyowa, mananahimik ka talaga kapag ang lalaki na ang nagsabing tumahimik ka na? ‘Yan nga ang mababasa mo ngayon, na si Atong lang pala ang makakapagpatahimik kay Gretchen, ha!

Pero again, hanggang kailan kaya mananahimik si Gretchen? Abangan! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *