Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bully

Inatake ng emotional distress at anxiety si BB Gandanghari dahil sa pambu-bully raw sa kanya sa pinapasukang trabaho. Ito ang laman ng kanyang hinaing sa photo na ipinost niya na may hospital-patient wrist badge identification.

The post Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bully appeared first on Abante News Online.

naospital sa us bb gandanghari biktima ng pambu bully - Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bully
Abante 2019 BB Gandanghari - Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bully

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bullyInatake ng emotional distress at anxiety si BB Gandanghari dahil sa pambu-bully raw sa kanya sa pinapasukang trabaho. Ito ang laman ng kanyang hinaing sa photo na ipinost niya na may hospital-patient wrist badge identification.

“Say NO to workplace BULLYING…what would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?

“My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God,” sabi ni BB.

Bukod dito nakakaranas din ng discrimination si BB na malalaman sa hashtag niya.

“#SayNoToBullying #NoToDiscrimination #NoToRacism #NoToHypocrisy.”

Hindi binanggit ni BB kung ano ang kanyang trahabo at anong lahi ang nambu-bully at nagdi-discriminate sa kanya.

Pero nabalita noon na isang Uber driver si BB sa Los Angeles. At sumasabak din siya sa mga audition para makakuha ng acting at commercial projects.

Ilan sa mga nagpahayag ng kanyang moral concern ay si Pops Fernandez, na inaalam ang pangyayari sa kanyang comment. Marami sa mga follower ni BB sa IG ang nag-suggest na magdemanda laban sa mga nambu-bully sa kanya.

Greta hindi kinuwartahan ni Claudine

Heto pa ang ibang laman sa Instagram live ni Gretchen Barretto. Pinuri nga niya ang nakababatang kapatid na si Claudine.

Ayon kay Gretchen, sa lahat ng mga taong malalapit sa kanya si Claudine lang ang hindi gumamit sa kanya. Na ni minsan ay hindi raw ito humingi ng pera sa kanya kahit nu’ng mga panahong bagsak na bagsak ito.

Alam din ni Gretchen ang kabutihan ni Claudine na nu’ng mga panahong nasa ospital daw ang kanilang Tita Yaya o Nanny (na suma­kabilang buhay na rin), nagbantay at natulog daw ito sa ward ng ospital.

Kaya nu’ng magkita raw sila ni Claudine, nalusaw ang puso ni Gretchen dahil bukod sa humingi ito ng tawad, nakita niya ang pagiging humble nito.

Humingi rin ng tawad si Gretchen kay Claudine.

Sa ngayon, tuwing magsasama raw sila ay lagi silang masaya. Wish ni Gret­chen na makabalik sa acting si Claudine at susuportahan niya ito.

The post Naospital sa US: BB Gandanghari biktima ng pambu-bully appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *