Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk show

Binasag na ni Kris Aquino ang pananahimik sa pagkakasibak ng programa niyang Love Life with Kris. Inilabas niya ang ‘truth’ sa kanyang Instagram.

The post Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk show first appeared on Abante.

nanganib sa covid 19 kris aquino sinipa sa tv5 talk show - Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk show
abante kris aquino 2 - Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk show

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 15 300x200 - Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk showBinasag na ni Kris Aquino ang pananahimik sa pagkakasibak ng programa niyang Love Life with Kris. Inilabas niya ang ‘truth’ sa kanyang Instagram.

“This is a life update post i wish i didn’t have to make, BUT it’s something i’m facing up to in order to truthfully move on…

“My hoped for TV comeback isn’t happening, the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable. No sugarcoating from me, you’re getting the honest truth…”

Kasunod nito ay ang kuwento niyang sinakmal sila ng takot at pag-aalala dahil sa exposure nila sa mga COVID-19 positive.

“It’s been a scary month, 4 people who had regular, close contact with Bimb and me all tested positive for Covid-19 middle of August. 3 of them have recovered, 1 is still battling this cruel virus. We all got swab test August 15, kuya Josh was thankfully in Tarlac during the time of exposure so he and his companion weren’t at risk.

“Bimb has asthma, i have my autoimmune conditions. Yet we both tested negative, even though we had sustained contact and are high risk individuals.

“We strictly isolated for two weeks, we had the ECLIA test done to be sure we weren’t asymptomatic, and again we were negative. In the big picture of life, we are still fortunate.”

Ayon pa kay Kris tanggap niya ang nawalang tsansa pero hindi na ito mahalaga sa kanya sa panahon ngayon.

“I would like to believe that i’m now a glass half full type of person-i no longer wish to focus on what’s not given, rather i am so very grateful for blessings, and YET, our health is the most precious one. I continue to have faith there will be opportunities-all in God’s perfect timing.”

Hindi naman binawian nang todo si Kris ng trabaho dahil ayon sa reply niya sa comment isang follower, dalawang major consumer product company ang engagement niya sa mga ito.

Online concert ni Daniel nanganganib

Ipinapangalandakan ni Karla Estrada ang sitwasyon sa ticket selling sa magaganap na virtual concert ng anak niyang si Daniel Padilla (October 11. 2020).

Sa post niya sa Instagram ng plug para sa show ng anak, ibinida ni Karla na humakot na sa mahigit sa 2,685 ang nabebentang ticket as of Sept. 8. At yun ay sa loob pa lamang ng limang araw.

Kahit bumebenta nang mabilis ang ticket nanawagan pa rin si Karla sa mga follower niya na bumili ng tiket.

Medyo nakakatakot ang gagawing concert lalo’t pumalpak ang pilot virtual show ni Vice Ganda sa sarili nyang network. Bumigay ang system sa show kaya bigla itong na-cut online.

Bela may kanta sa pandemya

Pagkanta ang pinagkaabalahan ni Bela Padilla habang wala pa siyang project. Nagsulat ng kanta si Bela na pinamagatang “NightTime”, katuwang ang singer na si Marion na siyang gumawa ng melody.

Isang love story na hango sa kaganapan sa pandemya ang tema ng sinulat na kanta ni Bela. Lumikha na rin ng music video para kay Bela at sa kanta na mapapanood mismo sa YouTube channel ng aktres.

Inimbitahan ni Bela ang kanyang mga follower sa Instagram na mag-sing and dance along sa kanyang kanta.

Xian sumabak sa pagpipinta

Wala yatang hindi kayang gawin si Xian Lim, dahil ang pagpi-painting naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Sa mga naunang Instagram post ni Xian ay tumugtog siya ng iba’t ibang instrumento.

Sinubukan din niyang magluto.

At heto nga, painter naman siya. Patapos na nga ang painting niya sa mahigit dalawang dipa na lapad na frame.

Tapos na ang taping ng “Love Thy Woman” at ayaw matengga ni Xian.

Ang suwerte ni Kim Chiu kay Xian dahil sobrang talented ito.

The post Nanganib sa COVID-19: Kris Aquino sinipa sa TV5 talk show first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *