Nanay, utol ni Pia tumitindi ang away

Tuloy pa rin pala ang giyera, at tila mas lumalala pa ang gulo sa pagitan ng nanay ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at utol niyang si Sarah Wurtzbach.

The post Nanay, utol ni Pia tumitindi ang away first appeared on Abante.

nanay utol ni pia tumitindi ang away - Nanay, utol ni Pia tumitindi ang away
Pia Alonzo Wurtzbach. - Nanay, utol ni Pia tumitindi ang away

Tuloy pa rin pala ang giyera, at tila mas lumalala pa ang gulo sa pagitan ng nanay ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at utol niyang si Sarah Wurtzbach.

Nakakapangilabot ang palitan nila ng sagutan, kung totoo talaga `yon, na makikita sa Instagram story ni Sarah.

Ayaw sana naming patulan ang kuwentong ito, dahil mag-ina ang magkalaban, at sensitibo ang paksa, na may kinalaman sa ‘rape’ at kung ano-ano pa.

Pero kahapon, muling nag-post, at ayaw talagang tumigil ni Sarah sa mga ginagawa niya. Makikita ang text, o chat diumano ng nanay niya, si Cheryl Tyndall (ang date na nakalagay ay 13 May) kay Sarah.

“Karmahin ka sana ng todo sa pagmumura mo sa akin. Wala kayong utang na loob. Tumira kayo dito ng dalawang taon dito sa flat ni Nigel, pero mga wala kayong respeto. Mga wala kayong utang na loob.

“Na-rape ka kasi ginusto mo yun. Hindi ka mapigilan. Yes 10 years old ka pa lang lumalabas ka na ng bahay sa gabi…”

Yan nga ang ilang bahagi ng diumano ay text/chat ni Cheryl kay Sarah.

Sa totoo lang, sa kaguluhang ito, si Pia ang naiipit nang husto. Si Pia na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

The post Nanay, utol ni Pia tumitindi ang away first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *