Nanay ni Ai-Ai ninakawan ng caregiver

Alalang-alala ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas kahapon dahil sa sinapit ng kanyang ina.

The post Nanay ni Ai-Ai ninakawan ng caregiver appeared first on Abante News Online.

nanay ni ai ai ninakawan ng caregiver - Nanay ni Ai-Ai ninakawan ng caregiver
Abante 2019 Ai Ai delas Alas - Nanay ni Ai-Ai ninakawan ng caregiver

Alalang-alala ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas kahapon dahil sa sinapit ng kanyang ina. Nilaya­san, ninakawan nga raw ang nanay ni Ai-Ai ng isang caregiver.

“Eto ang bagong caregiver ng nanay ko umalis sya ngayun at kumuha ng alahas at pera ng nanay ko any information ipagbigay alam sa number na ito 0917 7511797 salamat po– paki share na lang po para hindi kayo mabiktima nitong taong ito,” sabi ni Ai-Ai sa kanyang Facebook account.

Tinanong ko si Ai-Ai kung saan niya nakuha ang caregiver na ‘yon.

“Sa agency, tinatanong pa ng pamangkin kong pulis sa mataas niyang kasamahan kung ano gagawin, kas ‘pag ganyan pala kasama agency sa demanda,” sabi ni Ai-Ai.

Wala pa raw idea si Ai-Ai kung magkano ang nawala sa nanay niya.

“‘Di ko pa alam mga nawawalang alahas ng nanay ko pero sa pera 500 dollars. ‘Yung pesos hindi pa rin namin alam,” sagot ni Ai-Ai.

Mabuti na lang daw at hindi nasaktan ang kanyang ina.

“Hindi sinaktan, pero kaya lang iniwan niya nanay ko matanda na ‘yun. Eh kung nadapa ‘yun, naku! Bigla na lang siyang nawala today kaloka. Tumakas siya ngayong araw na ‘to!” sabi na lang ni Ai-Ai.

Naku, sa panahon ngayon, ang hirap na talagang magtiwala, ha! (Dondon Sermino)

The post Nanay ni Ai-Ai ninakawan ng caregiver appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *