Nanawagan sa NBI, NCRPO: Amy ginamit sa pangraraket

Nanawagan sa kanyang Instagram post si Amy Perez kaugnay sa panggagamit sa kanya ng isang networking group at sinasabing kabilang siya sa mga member ng team.

The post Nanawagan sa NBI, NCRPO: Amy ginamit sa pangraraket appeared first on Abante News Online.

nanawagan sa nbi ncrpo amy ginamit sa pangraraket - Nanawagan sa NBI, NCRPO: Amy ginamit sa pangraraket
Abante Amy Perez - Nanawagan sa NBI, NCRPO: Amy ginamit sa pangraraket

Nanawagan sa kanyang Instagram post si Amy Perez kaugnay sa panggagamit sa kanya ng isang networking group at sinasabing kabilang siya sa mga member ng team.

Pinoste ni Amy ang screenshot mula sa isang FB post na nagsasabing nag-join sila sa “Pays­book” na isang networking group. May mga la­rawan pa si Amy na kasama niya ang isang lalake na member ng nasabing networking.

Mariing itinanggi ni Amy ang naturang advertisement at tahasang sinabi niya na huwag maniwala sa mga ito dahil wala siyang koneksyon sa kahit sino sa mga ito.

“May mga kumakalat na larawan ko ngayon sa FB kasama ang ilang tao na tulad nang-e-enganyo na sumali sa kanilang negosyo na ‘PAYSBOOK’, nililinaw ko po na WALA akong koneksyon sa nasabing grupo. Sila po ay nagpa-picture lamang sa akin nung nakasabay ko sa sila sa airport at nga­yon ay ginamit na nila ito upang makahikayat ng members katulad ng sinasabi nila sa mga caption nila.

“Attention @dti.philippines paki-check po ito pati na rin sa NBI at kay General Eleazar RD NCRPO. Salamat po ng marami,” sabi pa ni Amy. (Rey Pumaloy)

The post Nanawagan sa NBI, NCRPO: Amy ginamit sa pangraraket appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *