Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-ina

Naka-relate si Vice Ganda sa krimeng nangyari sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. Bigla ngang nag-flashback sa kanya ang isang malagim na bangungot na nangyari sa kanilang pamilya ilang taon na ang nakararaan.

The post Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-ina first appeared on Abante.

nakakita ng demonyo vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag ina - Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-ina
abante vice ganda 4 - Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-ina

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-inaNaka-relate si Vice Ganda sa krimeng nangyari sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. Bigla ngang nag-flashback sa kanya ang isang malagim na bangungot na nangyari sa kanilang pamilya ilang taon na ang nakararaan.

Idinaan sa tweet ni Vice ang kuwento sa nakaraan ng kanyang ama.

“Natulala ako matapos ko mapanood yung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura ng tatay ko na parang baboy na isinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko!” sabi ni Vice.

Bagamat nakakulong na at tiyak na ang mabigat na sentensiyang ipapataw sa pulis na pumatay sa mag-ina sa Tarlac, umaasa si Vice na hindi magaya sa pamilya nila ang nangyari kina Sonya at Frank.

“Sana ay ‘wag silang magaya sa tatay ko na ‘di nabigyan ng hustisya. Sana ay ‘wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lang sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala nang makaranas ng kasamaang ito!” pahayag pa ni Vice.

Lea kinilabutan, napipi sa pamamaril

Tuluy-tuloy ang buhos ng galit ng mga artistang Pinoy sa naganap na pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. Buong industriya ng showbiz ay nagpahayag ng pagkondena sa nangyari.

Si Lea Salonga nga ay natulala at biglang napipi sa kilabot.

“I have no words. I normally don’t have a problem with words, but today there are none. None that can sufficiently express how i feel, this stomach, churning, nauseating, sick feeling!” sabi ni Lea.

Awang-awa si Pokwang sa batang babae na anak ng pulis, na sinasabi ng marami na siya raw dahilan kung bakit naganap ang lahat.

“Sa batang anak ng pulis na namaril sa mag-inang Sonya at Frank, ija hindi ako galit sayo bagkus naaawa ako sayo kung pano ka pinalaki at inaruga ng iyong magulang, magmula sa sinapupunan palang ng iyong ina sigurado akong marami silang pangarap para sayo, so pano na? Ano na?” sambit ni Pokwang.

John Prats sinuwerte sa pandemya

Pumabor kay John Prats ang paglayas ng ilan sa mga matagal na at mahuhusay na live entertainment in-house director ng Kapamilya network nang hindi mabigyan ng prangkisa ang istasyon.

Hanggang ngayon ay parang nakalutang sa ulap at hindi pa rin makapaniwala si John sa oportunidad na ibinigay sa kanya, ang magdirek ng Christmas Special ng ABS-CBN.

Isang mahabang mensahe ang isinulat ni John sa Instagram na naglalaman ng pasasalamat at kaligayahan sa achievement niyang ito.

Pinakamalaki sa kanyang karera ang pagdidirehe ng Christmas Special na ito ng Kapamilya.

Kung sa iba, malas ang pandemya, sa nangyayari sa career ni John, suwerte pa sa kanya ang krisis.

Morissette, Dave pakakasal na

Hindi nagpakabog kay Jessy Mendiola si Morissette Amon dahil gaya nito ay engaged na rin ito. Nakabalandra sa Instagram ni Morissette ang larawan nila ng kasintahang si Dave Lamar at ang daliri nito na may suot na engagement ring.

Ibinalita ni Morissette ang engagement proposal sa kanya na nangyari sa isang beach resort.

Ayon kay Morissette, 9-years na mula nang sila ay magkakilala ni Dave, naging magkaibigan ng 7-years at saka naging magkasintahan.

Tinawag ni Morissette na “great” ang kanilang love story dahil inayos ito ng Diyos para sa kanilang dalawa.

Isinakto ang proposal sa sunset na sinabayan ng isang romantic song.

The post Nakakita ng demonyo: Vice nabuhay ang trauma sa pinaslang na mag-ina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *