Nakakaumay ang pata: Karla inirampa alindog sa Bora

Kakapasok pa lang ng 2021 nagkalat, nagsabog na agad ng pata, braso, balakang, boobelya ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

The post Nakakaumay ang pata: Karla inirampa alindog sa Bora first appeared on Abante.

nakakaumay ang pata karla inirampa alindog sa bora - Nakakaumay ang pata: Karla inirampa alindog sa Bora
Karla Estrada - Nakakaumay ang pata: Karla inirampa alindog sa Bora

Kakapasok pa lang ng 2021 nagkalat, nagsabog na agad ng pata, braso, balakang, boobelya ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

Humakot ng maraming like ang latest posting ng nanay ni Daniel sa Instragam, na nangangalandakan sa kanyang malaking pigura, suot ang one-piece bathing suit.

Iba-ibang larawan pero pare-parehong post sa iisang lugar at props na sanga ng puno ng niyog ang eksena niya.

Malinaw naman sa mga picture na parang namamaga si Karla sa kanyang kalusugan. Na sabi nga ng iba, nakakaumay ang alindog niya.

Mabuti na lang at sikat pa rin siya at maganda ang kanyang mukha.

Pero in fairness, magandang magdala ng katawan si Karla. Siksik ang laman ng TV host-actress, pero may kurbada pa rin naman.

Wala siyang bilbil (na pwedeng naitago sa pagsusuot nito ng girdle).

Sa paningin ng mga kalalakihan mahilig sa mga big girls, pasok sa panlasa nila ang itsura ni Karla.

Aprubado naman ng mga netizens si Karla na hinahangaan ang lakas ng loob nitong magsuot ng bathing suit at ibalandra ang kanyang katabaan.

Inspirasyon nga raw ito ng mga big women. (Rey Pumaloy)

The post Nakakaumay ang pata: Karla inirampa alindog sa Bora first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *