Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyon

Hindi nakuntento si Michele Gumabao sa inilabas na official statement ng Aces & Queens na siyang manager niya sa kakatapos lang na Miss Universe Philippines. Hayun at nagsalita pa rin ang 2nd runner-up sa YouTube channel niya para ilahad ang pinanggalingan ng pag-alis niya sa pageant at ‘di na sumama pa sa photo op ng mga winner.

The post Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyon first appeared on Abante.

nagpatutsada sa mup michele 2 beses hinimatay sa depresyon - Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyon
abante michele - Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyon

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyonHindi nakuntento si Michele Gumabao sa inilabas na official statement ng Aces & Queens na siyang manager niya sa kakatapos lang na Miss Universe Philippines. Hayun at nagsalita pa rin ang 2nd runner-up sa YouTube channel niya para ilahad ang pinanggalingan ng pag-alis niya sa pageant at ‘di na sumama pa sa photo op ng mga winner.

Naglahad muna si Michele ng pinagdaanan sa buong proseso ng pageant. Ibayong pressure raw sa umpisa pa lang ang naranasan niya kung saan nahimatay pa siya ilang araw bago siya pumasok sa pageant.

Na-depressed at ninais na niyang layasan ang kumpetisyon sa Baguio para umuwi.

Hindi kinaya ni Michele ang masasakit na salitang ipinupukol sa kanya ng mga basher.

Inireklamo rin niya na sa dalawang linggong mga activity nilang mga kandidata, may mga panahong hindi sila nakakain dahil sa sobrang hectic ng kanilang schedule.

Ayon kay Michelle, nang malaman na nila kung sino ang mga nanalo bago pa ito ipalabas sa telebisyon (delayed telecast), gusto na niyang umalis sa pageant.

Nasapol ang damdamin niya sa iba’t ibang reaksyon ng mga kandidata, na ang iba ay umiiyak na sa pagkadismaya.

Hindi kayang ipakita ni Michelle na gusto na rin nyang sumabog at umiyak kaya nakiusap siyang payagan siyang umalis, na pinagbigyan naman ng staff.

Dahil sa pinagsama-samang tensyon, pagod at emotional pressure nahimatay uli ang dalaga.

Nilinaw ni Michelle na tanggap niya ang pagkakapanalo ni Miss Iloilo Rabiya Mateo. Katunayan, nag text pa siya kay Rabiya at binati ito.

Pinatutsadahan din ni Michele ang organizer ng MUP dahil sa pananahimik ng mga ito sa mga bumatikos sa kanya. Alam daw ng MUP ang rason pero hindi raw nagsalita ang mga ito.

Iginiit ni Michelle na hindi masama ang loob niya sa pagkatalo, nalungkot lang siya sa mga hate message sa socmed.

TikTok ni Gardo ginagaya

Ang pagiging mama’s boy, mabuting asawa, mapagmahal na ama, masipag at nagbibigay aliw sa mga netizen, ang ilan lang sa mga rason kung bakit kinuha ng F2N si Gardo Versoza bilang celebrity endorser at brand ambassador ng kanilang mga produkto.

Sabi nga ni Ms. Jo Roxas, makakadagdag sa value ng kumpanya ang pagkuha nila kay Gardo. Bahagi rin ng pasaporte ni Gardo para maging brand ambassador ay ang kasikatan sa TikTok.

Katunayan sa nakaraang zoomference ni Gardo, nagpakita ng TikTok video ang buong team, distributor ng kumpanya, na ginagaya si Gardo.

Puring-puri at aliw na aliw si Ms. Jo, pati ang iba pang mga executive na sina Ana Lisa Jambalos at Topacio kay Gardo.

Ilan sa mga produkto ng F2N ay coffee, super food, juice, soap, toothpaste.

The post Nagpatutsada sa MUP: Michele 2 beses hinimatay sa depresyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *