Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDS

Walang binanggit na pangalan si Angelica Panganiban nang mag-tweet siya na, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino…”

The post Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDS first appeared on Abante.

nagpatutsada kay digong angelica sinopla ni asec libiranpa woke ayon sa mga dds - Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDS
Angelica Panganiban 2 - Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDS

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDSWalang binanggit na pangalan si Angelica Panganiban nang mag-tweet siya na, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino…”

Pero ang mga basher niya at mga DDS (Diehard Duterte Supporters) ay buhay na buhay sa pamba-bash sa actress.

Nag-react din agad ang DOTr Asec Goddes Hope Libiran na direktang sinagot ang tweet ni Angelica nang, “Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog.

“Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA.

Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang.”

Minamaliit din ng mga tagapagtanggol ni Pres. Duterte si Angelica na isang pa-woke na artista lang daw. May nag-comment din kay Asec Libiran na ‘wag daw i-address ng “Ma’am” si Angelica dahil artista lang naman ito.

Pero sa isang banda, ang mga “artista lang” kung i-address ng iba ay iilan lang sa masyadong naha-highlight kung may tanong, hinaing sila sa nangyayari sa bansa at sa gobyerno. Kung iba-browse ang social media, sa kasagsagan ng bagyong Rolly, lalo na nang parating pa lang ito, ang daming nagpu-post at naghahanap sa Presidente ng bansa. Pero dahil hindi sila artista lang, walang pamba-bash na gaya ng natatanggap ng mga artista lang na nagpu-post.

***

Derek, Lloydie pinambuwisit kay Panganiban

Matitindi talaga ang ibinabatong mga comment kay Angelica ng mga supporter ng administrasyon ngayon. Damay pati personal at lovelife nito.

Nandiyang, “Walang plano kaya iniwan ka na ng mga ex mo– Derek (Ramsay) at John Lloyd (Cruz).”

Anyway, si Angelica ang nasentruhan ng mga DDS ng atake. Bukod kay Angelica, may iba pang mga “artista lang” din na nag-tweet at direktang naghanap din sa Presidente sa kasagsagan ng bagyo tulad ni Chynna Ortaleza na nag-tweet nang, “Where is the President?”

Sa isang banda, tama naman ang komento ng ilang netizens na delegated na sa talagang sangay ng gobyerno na siyang responsable kapag may mga kalamidad na paparating. Pero, hindi rin naman kalabisan na maramdaman ang presence ng Presidente ng bansa lalo na’t ang mamamayan ay ‘di maiwasang matakot o mag-panic.

The post Nagpatutsada kay Digong: Angelica sinopla ni Asec Libiran,‘pa-woke’ ayon sa mga DDS first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *