Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantso

Naku, Dondon (my dear editor), hindi talaga papayag na magpaisa si Pokwang sa mga nanggagamit sa kanya sa social media, huh!

The post Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantso first appeared on Abante.

nagpasaklolo sa nbi pokwang ginamit sa panggagantso - Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantso
abante pokwang 3 - Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantso

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantsoNaku, Dondon (my dear editor), hindi talaga papayag na magpaisa si Pokwang sa mga nanggagamit sa kanya sa social media, huh!

Ilang beses na ngang ibinuko ng comedienne ang fake accounts sa social media na nagpe-pretend na siya at ginagamit pa ang pictures at videos niya, lalo na ng anak na si Malia O’Brian para pagkakitaan.

Nakailang report na rin si Pokwang sa Facebook, Instagram at kung ano-ano pang social media apps para i-report ang ilang fake accounts niya, pati na rin ng ilang kapwa niya celebrities.

Noong isang araw, inalmahan na naman ni Pokwang ang isang nanggagamit sa kanyang pangalan.

Nabuking kasi ni Pokwang ang isang online dating group na ang admin ay pinalalabas na kaibigan siya at shinare ang istorya na nakilala raw niya ang “husband” niyang si Lee O’Brian sa “number one Filipino dating website” na ‘yon.

Ipinagdiinan nga ni Pokwang na hindi niya friend ang nag-post no’n at lalong hindi sila nagkakilala ni Lee sa nasabing dating website dahil nagkakilala silang dalawa dahil sa pelikulang “Edsa Woolworth” na prinoduced ng TFC (The Filipino Channel).

Sabi nga ni Pokwang, “Mga manggagantso!!! Wag ganon!!! Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? Woohoo.”

Isa nga ang kaibigan ni Pokwang na si K Brosas sa napakaraming nag-react sa post niyang ‘yon, “Tragis mga yan!! Kaloka!” na sinagot ng una ng, “Diba mga hayuf!!!!”

Sa Facebook Messenger chat namin ni Pokwang, tinanong ko siya tungkol sa bagay na ‘yon.

“Mga gago ‘di ba?? Hahahaha,” reaksiyon ni Pokwang.

So, nai-report na ba niya?

“Yes, Mare!”

Actually, nalaman daw niya na ginagamit na naman siya dahil may nag-PM (private message) sa kanya sa Instagram account niya.

“May nagpadala sa akin ng PM sa IG. Naka-tag sa akin ‘yung post, kaya nalaman ko!” sabi pa ng comedienne.

Naku, tama lang na ibuking ang ganitong mga kamalasaduhan, ‘noh?!

Go, go, go, Pokwang!

Zion mabait, malambing

Ang sweet ni Zion, ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Kahapon, ang voice message ng bata sa WhatsApp ang “sumalubong” sa akin.

Nagte-thank you siya para sa chocolates na pasalubong ko raw sa kanila ng kapatid niyang si Kai.

Sabi naman ni Sarah, favorite raw kasi ng mga anak niya ‘yung chocolate brand na ‘yon na binili ko sa Dubai, United Arab Emirates.

‘Katuwa lang si Zion dahil talagang marunong mag-“thank you”.

Ganda ng pagpapalaki sa kanya nina Richard at Sarah!

Ruffa bet ni Harlene para kay Bistek

Pinost ni Ruffa sa kanyang Instagram story (@iloveruffag) ang picture nila ni Harlene Bautista na may caption na, “Fun business meeting & catch up”.

Marami kaagad ang nag-message sa akin dahil doon.

Ang sagot ko lang, hindi ko tinatanong pa si Ruffa tungkol doon.

Pero karamihan sa mga nag-message sa akin ay natutuwa dahil hindi nga raw ba at nali-link si Ruffa sa kuya ni Harlene na si Herbert Bautista?

Ang iba nag-“one plus one” kaagad dahil sa posting na ‘yon. Na kesyo boto raw si Harlene kay Ruffa para kay Bistek.

Pero, honestly, Dondon, ayokong usisahin si Ruffa tungkol doon dahil sure na sure na ako sa magiging reaction niya.

Ikaw na lang dahil makakatsikahan mo naman siya bago siya mag-lock-in taping for “Stay-In Love” ng TV5 on Friday.

Ikaw na mismo ang magtanong sa kanya tungkol sa hindi mamatay-matay na pagli-link sa kanila ni Herbert dahil sa digital movie series nila na “The House Arrest Of Us” kung saan parents ni Kathryn Bernardo ang charaters nila.

Tsuk!

The post Nagpasaklolo sa NBI: Pokwang ginamit sa panggagantso first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *