Nagparinig kay Marjorie Claudine pumalag sa basher

Triggered si Claudine Barretto sa isang basher na nag-comment sa kanyang Instagram post. Bumanat ito na si Clau umano ang puno’t dulo ng hindi pagkakaunawaan ng Barretto sisters.

nagparinig kay marjorie claudine pumalag sa basher - Nagparinig kay Marjorie Claudine pumalag sa basher
abante claudemarj - Nagparinig kay Marjorie Claudine pumalag sa basher

Triggered si Claudine Barretto sa isang basher na nag-comment sa kanyang Instagram post. Bumanat ito na si Clau umano ang puno’t dulo ng hindi pagkakaunawaan ng Barretto sisters.

Ani @orangegirl93: “Magpakatino ka na kasi ayusin mo buhay mo pa­milya mo ikaw ang dahilan kaya nag aaway away mga kapatid mo pati mga parents mo mina manipulate mo.”

Buwelta naman ni Claudine: “@orangegirl93 talaga? Ako? Galing mo naman pwede kang script writer.ay GHOST WRITER PALA! Get a life at wag yung may asawa ok?”

Ang IG post ni Claudine ay naglalaman ng pasasalamat nito sa kanyang kuya na si JJ Barretto sa pag-aalaga sa kanya.

Matatandaang nagkaroon ng ‘parinigan’ sa IG sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto kamakailan. Sa post kasi ni Julia Barretto ay inakusahan ito ni La Greta na mayroon itong ghostwri­ter upang ipagtanggol ang sarili sa mga ipinupukol na isyu sa kanya.

Nagpalit ng IG bio ang ina ni Julia na si Marjorie matapos at ang inilagay nito ay isa siyang “ghostwriter”. Pero sopla pa rin siya kay Gretchen dahil nagpalit din ito ng bio by saying that she’s a “ghostbuster”.

(Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *