Nagpakalat na buntis si Liza pinakakasuhan

Hustisya! Respeto! Ganyan ang sigaw ng mga fan ni Liza Soberano laban sa mga blogger/vlogger (na mga DJ rin sa isang radio station) na nagpakalat na kaya nasa Ame­rica ang idolo nila ay dahil buntis ito. At sabi pa, ‘yun din ang dahilan kung bakit tumanggi na itong mag-Darna.

The post Nagpakalat na buntis si Liza pinakakasuhan appeared first on Abante News Online.

nagpakalat na buntis si liza pinakakasuhan - Nagpakalat na buntis si Liza pinakakasuhan
ABANTE liza soberano 1 - Nagpakalat na buntis si Liza pinakakasuhan

Hustisya! Respeto! Ganyan ang sigaw ng mga fan ni Liza Soberano laban sa mga blogger/vlogger (na mga DJ rin sa isang radio station) na nagpakalat na kaya nasa Ame­rica ang idolo nila ay dahil buntis ito. At sabi pa, ‘yun din ang dahilan kung bakit tumanggi na itong mag-Darna.

Nakikiusap nga ang mga fan ni Liza na kasuhan ang mga tao na nagpakalat na buntis ang idolo nila. Hindi nga raw makatarungan na basta-basta na lang sisirain ng tao na ‘yon ang magandang imahen ng kanilang idolo.

Heto nga ang ilang mensahe ng mga fan ni Liza:
@TitaFaney, “If the offending posts were also carried on its radio station (online) by 106.7 Energy FM, complaints can also be filed by the PUBLIC with the Kapisanan ng Mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) through this link: https://www.kbp.org.ph/complaint-form KBP encourages the public to do so. GO!”

Rolyn Ilusorio, “huwag bulag bulagan sa ginawa ng 2 nyo, yang dj sheena na yan akala mo kung sino babae ka diba at ikaw kalbong dj mahiya ka, eto ba mga klaseng dj ang bibigyan nyo ng trabaho, maghanap kayo ng mga marunong rumespeto sa kapwa hindi mangwalang hiya sa kapwa para kumita at sumikat.”
Manny De GuzmanJr, “This issue tore me apart between love and hate. What I hate the most in every talk show is the blind item tsismis. Sorry to say, I’m not a fan those. Sana maayos nila ‘to ng hindi humahantong sa demandahan.”

Samantala, sa statement naman na ini-release ng 106.7 EnergyFM, sinabi nila na wala silang kinalaman sa ginawang ‘yon ng kanilang DJ.

“Please be reminded that the official Facebook Page and YouTube account of EneryFM is ‘EnergyFM 106.7’. Contents of social media accounts of our individual DJs are the responsibility of the holder.”

***
Samantala, heto naman ang mensahe ng manager ni Liza na si Ogie Diaz:
Dear Kapitana SISA, bakit mo tinanggal yung uploaded video mo sa youtube? Kala ko naman, pinaninindgan mo yung tsinika sa yo ng source mo against Liza Soberano? O eh bakit nawala?

“Kasi nga, fake news at binobomba ka ng mga fans ni Liza at ng LizQuen sa paninira mo. Lalo na at ang lala ng blind item mo. At ikaw mismo ang nagtuturo na si Liza ang tinutukoy mo.

“Grabe ka din sa paggawa ng ingay. Kaso, in a notorious way. Mas importante sa yo ang maging controversial kesa maging credible. Kapitana, nagba-blind item din ako. Pero dapat may basis ka. Lalo ka na, yung youtube live mo, paiba-iba ang source mo, halatang nag-iimbento ka.

“71 minutes mong ‘sinalsal’ ang blind item mo para pagkakitaan. Yes, pagkakitaan.

Nanghihingi ka ng “padilaw” ($10) sa mga nanonood sa’yo para magbigay ka ng clues pa more. Me style ka rin kung paano manghingi to a point na ipapa-western union pa ang padala sa yo.

“Kung confirmed ang nakarating sa yo, suportahan mo ng ebidensiya kung saang ospital nagparaspa at hawak mo ang record or certification kung ano ang ginawa sa kanya.

“Kung mapatunayan mong totoo yang claim mo (at binanggit mo pa talaga ang name ko kaya um-obvious ang tsika mo), bigyan kita ng isang milyong piso (yes, P1M) para hindi ka na nang-uuto ng subscribers mo. Totoo yang hamon ko.

“Pero kung mapatunayan nating nag-iimbento ka na may source ka, kahit isang kutos lang sa ulo mo, happy na ako.

“PS…. Na-save pala namin ang video and kukunsulta kami sa lawyer. (Dondon Sermino)

The post Nagpakalat na buntis si Liza pinakakasuhan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *