Nag-bikini sa bundok: Nadine pumalag sa report ng TV Patrol

Hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang isang ulat tungkol sa kanyang pagha-hike.

The post Nag-bikini sa bundok: Nadine pumalag sa report ng TV Patrol first appeared on Abante.

nag bikini sa bundok nadine pumalag sa report ng tv patrol - Nag-bikini sa bundok: Nadine pumalag sa report ng TV Patrol
abante nadine lustre - Nag-bikini sa bundok: Nadine pumalag sa report ng TV Patrol

Hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang isang ulat tungkol sa kanyang pagha-hike.

Sa serye ng Instagram stories, itinama ng aktres ang ulat ng TV Patrol kung saan ginamit na source ang larawang pinost ng Twitter user na si @Iamnadslustre na may 473.2K followers.

“Trending sa Twitter ang ipinost na picture ni Nadine Lustre,” sabi pa sa ulat. Binida roon ang dalawang photo ni Nadine na nakatalikod at nakasuot ng bikini.

Punto ni Lustre sa IG, wala siyang Twitter account.

Nabasa rin daw kasi ang kanyang maong shorts kaya pinatuyo muna niya ito.

“Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o. anuba,” sey ni Nadine.

“Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins ok. Ikaw kaya magsuot ng basang maong habang nagha-hike,” sabi pa nito.

“I can’t believe people really assumed that I hiked in a bikini. Balakayodiyan. Babalik na ko sa ulap,” dagdag pa niya.

Pero, sa dulo, bumati si Nadine ng “Happy New Year!”

Binatikos din ng mga fans ni Nadine ang ulat na ito ng TV Patrol.

Pero, ano bang masama kung iulat na naka-bikini siya, habang nagha-hike, eh, totoo naman na naglabasan ang mga photo na naka-bikini siya habang naglalakad sa bundok, di ba?

The post Nag-bikini sa bundok: Nadine pumalag sa report ng TV Patrol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *