Nadine, Sanya, Lovi nagkabugan sa pagrampa

Kabugan sa rampahan sina Nadine Lustre, Sanya Lopez at Lovi Poe sa katatapos lang na #marrymeatmarriott event, na kung saan ay ipinakita nga ang mga naggagandahang wedding gown ng mga sikat na fashion designer sa Pilipinas.

nadine sanya lovi nagkabugan sa pagrampa - Nadine, Sanya, Lovi nagkabugan sa pagrampa
Abante 3 1 - Nadine, Sanya, Lovi nagkabugan sa pagrampa

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Nadine, Sanya, Lovi nagkabugan sa pagrampaKabugan sa rampahan sina Nadine Lustre, Sanya Lopez at Lovi Poe sa katatapos lang na #marrymeatmarriott event, na kung saan ay ipinakita nga ang mga naggagandahang wedding gown ng mga sikat na fashion designer sa Pilipinas.

Wala ka ngang itulak kabigin sa mga gown nina Michael Leyva, Leo Almodal at Albert Andrada, ha! Kung babae ka at nagbabalak pakasal, hihilingin mo talaga na maisuot ang alin man sa mga wedding gown nila.

“Divine. @nadinefor #michaelleyva for #marrymeatmarriott @jellyeugenio @paulnebres@vivaartistsagency@reynaldovsantosjr @ornatemanila #michaelley-vabride #michaelleyvamanila,” ang simpleng caption ni Michael Leyva sa photo ni Nadine na humamig talaga ng papuri.

Kasi naman, ibang-iba ang itsura ni Nadine nu’ng gabing ‘yon. Kung ikaw nga si James Reid, baka liparin mo ang Marriott Hotel para pakasalan na agad talaga si Nadine.

Sabi nga ni rye.t86; “Gandang di nakakasawa at pang matagalan at lalong gumaganda President Nadine.”

gbisco: “I almost didn’t recognize her wow! Jaw line and nose are perfect!”

itsnadengforevs: “Sobrang ganda ng gown kasingganda ng mahal na president.”

acebdelrosario: “This is so perfect for her, she justified this perfect gown.”

Well, siyempre hindi rin nagpakabog si Sanya Lopez, na sabi nga nila, sa unang tingin, ang akala nila ay si Marian Rivera. Fresh na fresh nga si Sanya, at suwerte talaga ang unang lalaking makakasungkit ng kanyang puso, at pakakasalan niya.

“I’m so happy to be part of the #MarryMeAtMarriot fashion show. Thank you @leoalmodal for the trust to be the opening of the show. The creations are as always, so amazing! Congratulations!” say ni Sanya.

“Thank you so much dear Sanya! We love you!” say naman ni Leo.
Say ni charisse.domingo: “Living barbie doll.”

At teka lang naman, kung rampahan, eksenahan ang pag-uusapan, hindi mo puwedeng sapawan si Lovi Poe. Remember, kahit sa ibang bansa, umaangat talaga ang kagandahan, kaseksihan, sex appeal ni Lovi.

Eh, kahit nga hindi siya umeksena, simpleng paglalakad lang niya, na may kasamang emote ng face, maaagaw na agad niya ang atensyon ng mga tao sa paligid.

“Direk, can I walk down the aisle wearing these comfy slippers? Just kidding. #MarryMeAtMarriott,” pabirong caption ni Lovi sa photo na nakasalampak pa siya sa sahig, habang naghahanda sa event.

Well, ganu’n din kaya ang maging drama ni Lovi once na pakasalan na siya ng dyowa niyang prodyuser sa Hollywood (sabi sa kuwentuhan sa showbiz)?

Sabi nga ni kyleguzman14: “Hay nako Lovie. Nakakainis na. Bat ang ganda mo lagii. Hihi.”

Well, ilan lang sina Nadine, Sanya, Lovi sa mga eksenadora ang kagandahan, na kahit saan mo sila bitbitin, nag-iiwan talaga sila ng marka, ha!

Mika dela Cruz magpapasiklab sa ‘I-Bilib’

Ngayong Linggo, samahan ang cool expe-riment ng award-winning host na si Chris Tiu sa “I-Bilib”, katuwang ang comedy duo na Moymoy Palaboy. Eh, eeksena rin ang kiddie star na sina John Kenneth “Dekdek” Giduco, Marika Sasaki at Mika dela Cruz.

What is the best booster if you plan to turn a fire extinguisher into a rocket- powder, water, foam or carbon dioxide?

What will happen if you vacuum a person from the shoulder down inside a plastic bag?

Discover the answers in the street genius experiments:
“fire extinguisher rocket” and “plastic & vacuum challenge.”
Can you stack a bowl of potato chips to form a ring as big as a plate?

Find out in the chips stacking challenge!

Can you make a carousel out of ordinary materials?

Let Chris and the “I-Bilib” gang show you how in the diy carousel experiment!

How can a maze challenge the mind?

To find out, let’s take trip to Japan with Marika as she gets lost while d­oing the bilibabol edo mura grand maze challenge!

For her huling hirit, Mika shows us how you can make a cupcake pizza!
Tutukan ‘yan nga-yong Linggo sa “I-Bilib”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *