Nadine ‘reyna ng mga mangkukulam’

Reyna ng mga mangkukulam sa Halloween nga ang bagong korona ni Nadine Lustre, dahil sa mga naglabasang mga photo niya na kuha ng mahusay na photographer na si BJ Pascual.

The post Nadine ‘reyna ng mga mangkukulam’ first appeared on Abante.

nadine reyna ng mga mangkukulam - Nadine ‘reyna ng mga mangkukulam’
Nadine - Nadine ‘reyna ng mga mangkukulam’

Reyna ng mga mangkukulam sa Halloween nga ang bagong korona ni Nadine Lustre, dahil sa mga naglabasang mga photo niya na kuha ng mahusay na photographer na si BJ Pascual.

Mapapanood nga sa YouTube channel ni BJ ang mga eksena ni Nadine.

Hango sa mga karakter ng mga sikat na ‘mangkukulam’ ang konsepto ng pictorial ni Nadine, na magkatuwang na binuo nina Eldz Mejia at BJ Pascual.

Pinagsama-samang karakter nina Elvira, Vampira, Morticia Adams, Cher, Kate Bush (The Sensual world) nga ang look ni Nadine. Mga tinaguriang Feminine Halloween Icons sa Hollywood.

Mapapanood nga sa video kung paano game na game na nag-emote si Nadine, ha! At kahit napagod, nanginig sa pictorial, walang reklamo si Nadine.

“It’s something na hindi ko pa nagagawa, na dark ang shoot, kaya gusto ko,” sabi ni Nadine sa chikahan kay BJ.

Anyway, ipinasilip din ni Nadine ang nilalaman ng kanyang isip at puso sa album niyang “Wildest Dreams” na mapapanood sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Careless.

Tampok sa 30 minutong pelikula ang 12 na bagong awitin mula kay Nadine at ang pinagtahi-tahing anim na music videos na inilalarawan ang pinagdaanan niya para kilalanin at mahalin ang sarili. (Dondon Sermino)

The post Nadine ‘reyna ng mga mangkukulam’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *