Nadine pasiklab ang kaseksihan sa IG

Ber months na nga at taglamig na, pero bakit parang ang init pa rin with all the sexy pictures ng mga celebrity gaya ni Nadine Lustre?

nadine pasiklab ang kaseksihan sa ig - Nadine pasiklab ang kaseksihan sa IG
nadine 9 - Nadine pasiklab ang kaseksihan sa IG

Ber months na nga at taglamig na, pero bakit parang ang init pa rin with all the sexy pictures ng mga celebrity gaya ni Nadine Lustre?

Hindi talaga papaawat sa lamig ng panahon ang naturang aktres sa pagpapakita ng kaniyang kaseksihan.

Si Nadine ay nagbahagi sa kanyang IG ng mirror selfie habang naka-bikini. Syempre, unang nagkomento diyan ang kanyang supportive boyfie na si James Reid na may pa-heart emoji na nalalaman.

Umulan na naman siyempre ng magagandang komento, na sinasabi nga na sa henerasyon ngayon, si Nadine talaga ang pinakaseksi sa lahat, pinaka-malakas ang sex appeal, at katakam-takam.

Na kahit sikat na sikat sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Maine Mendoza ngayon, iba pa rin ang taglay na pang-akit ni Nadine. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *