Nadine mang-aaliw ng mga basketbolista

Dahil sa pagrampa ni Nadine Lustre sa Pride March sa Marikina Sports Complex last Saturday, lalo siyang napalapit sa mga bading at tomboy.

The post Nadine mang-aaliw ng mga basketbolista appeared first on Abante News Online.

nadine mang aaliw ng mga basketbolista - Nadine mang-aaliw ng mga basketbolista
nadine 6 - Nadine mang-aaliw ng mga basketbolista

Dahil sa pagrampa ni Nadine Lustre sa Pride March sa Marikina Sports Complex last Saturday, lalo siyang napalapit sa mga bading at tomboy.

Nangako nga ang mga miyembro ng LGBTQ na susuportahan si Nadine sa lahat ng proyekto nito.

Hindi nga biro ang kumaway nang kumaway, makihalubilo sa gitna ng ulanan, ha! Kaya bilang ganti, pangako ng mga badikla, gagawin nilang reyna si Nadine.

Pero, siguradong hindi lang mga ba-ding, tomboy ang sasamba kay Nadine, dahil sa July 21, ang mga mahihilig naman sa bola ang paliligayahin ni Nadine, ha! Kasama nga niya si Sam Concepcion sa event na ‘yon.

Ito nga ‘yung Go For Gold, na project ng Powerball Marketing and Logistics Corporation, na founded ng former athlete Jeremy Go.

Layunin ng programa na i-promote sa pamamagitan ng sports development ang “creating ways to encourage young individuals to pursue excellence through physical literacy.”

Go For Gold will lead a World Record Attempt, which aims to gather over 10,000 i­ndividuals from all over the Philippines and break the Guinness World Record on the Most Number of People Dribbling Basketball Simultaneously.

So para sa mga interesado, magparehistro na, at magpraktsik na sa pagdi-dribol, na gaganapin sa July 21, 2019 sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Sa mga gustong sumali, please visit: www.goforgoldworldrecordattempt.com. (Dondon Sermino)

The post Nadine mang-aaliw ng mga basketbolista appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *